1At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.
1وبارك الله نوحا وبنيه وقال لهم اثمروا واكثروا واملأوا الارض.
2At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.
2ولتكن خشيتكم ورهبتكم على كل حيوانات الارض وكل طيور السماء. مع كل ما يدبّ على الارض وكل اسماك البحر قد دفعت الى ايديكم.
3Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.
3كل دابة حية تكون لكم طعاما. كالعشب الاخضر دفعت اليكم الجميع.
4Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
4غير ان لحما بحياته دمه لا تاكلوه.
5At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.
5واطلب انا دمكم لانفسكم فقط. من يد كل حيوان اطلبه. ومن يد الانسان اطلب نفس الانسان. من يد الانسان اخيه.
6Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
6سافك دم الانسان بالانسان يسفك دمه. لان الله على صورته عمل الانسان.
7At kayo'y magpalaanakin at magpakarami; magsilago kayo ng sagana sa lupa, at kayo'y magsidami riyan.
7فاثمروا انتم واكثروا وتوالدوا في الارض وتكاثروا فيها
8At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi,
8وكلم الله نوحا وبنيه معه قائلا.
9At ako, narito, aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo, at sa inyong binhi na susunod sa inyo;
9وها انا مقيم ميثاقي معكم ومع نسلكم من بعدكم.
10At sa bawa't nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang hayop at bawa't ganid sa lupa na kasama ninyo; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa't ganid sa lupa.
10ومع كل ذوات الانفس الحيّة التي معكم. الطيور والبهائم وكل وحوش الارض التي معكم من جميع الخارجين من الفلك حتى كل حيوان الارض.
11At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.
11اقيم ميثاقي معكم فلا ينقرض كل ذي جسد ايضا بمياه الطوفان. ولا يكون ايضا طوفان ليخرب الارض.
12At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon:
12وقال الله هذه علامة الميثاق الذي انا واضعه بيني وبينكم وبين كل ذوات الانفس الحيّة التي معكم الى اجيال الدهر.
13Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
13وضعت قوسي في السحاب فتكون علامة ميثاق بيني وبين الارض.
14At mangyayari, pagka ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.
14فيكون متى انشر سحابا على الارض وتظهر القوس في السحاب
15At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman.
15اني اذكر ميثاقي الذي بيني وبينكم وبين كل نفس حيّة في كل جسد. فلا تكون ايضا المياه طوفانا لتهلك كل ذي جسد.
16At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.
16فمتى كانت القوس في السحاب ابصرها لاذكر ميثاقا ابديا بين الله وبين كل نفس حيّة في كل جسد على الارض.
17At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa.
17وقال الله لنوح هذه علامة الميثاق الذي انا اقمته بيني وبين كل ذي جسد على الارض
18At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan.
18وكان بنو نوح الذين خرجوا من الفلك ساما وحاما ويافث. وحام هو ابو كنعان.
19Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe: at sa mga ito'y nakalatan ang buong lupa.
19هؤلاء الثلاثة هم بنو نوح. ومن هؤلاء تشعبت كل الارض
20At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan.
20وابتدأ نوح يكون فلاحا وغرس كرما.
21At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda.
21وشرب من الخمر فسكر وتعرّى داخل خبائه.
22At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas.
22فابصر حام ابو كنعان عورة ابيه واخبر اخويه خارجا.
23At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.
23فأخذ سام ويافث الرداء ووضعاه على اكتافهما ومشيا الى الوراء وسترا عورة ابيهما ووجهاهما الى الوراء. فلم يبصرا عورة ابيهما.
24At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak.
24فلما استيقظ نوح من خمره علم ما فعل به ابنه الصغير.
25At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.
25فقال ملعون كنعان. عبد العبيد يكون لاخوته.
26At sinabi niya, Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya.
26وقال مبارك الرب اله سام. وليكن كنعان عبدا لهم.
27Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya.
27ليفتح الله ليافث فيسكن في مساكن سام. وليكن كنعان عبدا لهم
28At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw, ng tatlong daan at limang pung taon.
28وعاش نوح بعد الطوفان ثلث مئة وخمسين سنة.
29At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon: at namatay.
29فكانت كل ايام نوح تسع مئة وخمسين سنة ومات