1Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
1فاجاب اليفاز التيماني وقال
2Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita?
2ان امتحن احد كلمة معك فهل تستاء. ولكن من يستطيع الامتناع عن الكلام.
3Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay.
3ها انت قد ارشدت كثيرين وشددت ايادي مرتخية.
4Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.
4قد اقام كلامك العاثر وثبت الركب المرتعشة.
5Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.
5والآن اذ جاء عليك ضجرت. اذ مسّك ارتعت.
6Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala, at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?
6أليست تقواك هي معتمدك ورجاؤك كمال طرقك.
7Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid?
7اذكر من هلك وهو بري واين أبيد المستقيمون.
8Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
8كما قد رايت ان الحارثين اثما والزارعين شقاوة يحصدونها.
9Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay, at sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol.
9بنسمة الله يبيدون وبريح انفه يفنون.
10Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon, at ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.
10زمجرة الاسد وصوت الزئير وانياب الاشبال تكسرت.
11Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli, at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat.
11الليث هالك لعدم الفريسة واشبال اللبوة تبددت
12Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay, at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon.
12ثم اليّ تسللت كلمة فقبلت اذني منها ركزا.
13Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao,
13في الهواجس من رؤى الليل عند وقوع سبات على الناس
14Takot ay dumating sa akin, at panginginig, na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto.
14اصابني رعب ورعدة فرجفت كل عظامي.
15Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.
15فمرّت روح على وجهي. اقشعر شعر جسدي.
16Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,
16وقفت ولكني لم اعرف منظرها. شبه قدام عينيّ. سمعت صوتا منخفضا
17Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?
17أالانسان ابرّ من الله ام الرجل اطهر من خالقه.
18Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:
18هوذا عبيده لا يأتمنهم والى ملائكته ينسب حماقة.
19Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo!
19فكم بالحري سكان بيوت من طين الذين اساسهم في التراب ويسحقون مثل العث.
20Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.
20بين الصباح والمساء يحطمون. بدون منتبه اليهم الى الابد يبيدون
21Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila'y nangamamatay at walang karunungan.
21أما انتزعت منهم طنبهم. يموتون بلا حكمة