1Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
1لداود عندما غيّر عقله قدام ابيمالك فطرده فانطلق. ابارك الرب في كل حين. دائما تسبيحه في فمي.
2Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon: maririnig ng maamo at masasayahan.
2بالرب تفتخر نفسي. يسمع الودعاء فيفرحون.
3Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
3عظموا الرب معي ولنعلّ اسمه معا
4Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
4طلبت الى الرب فاستجاب لي ومن كل مخاوفي انقذني.
5Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
5نظروا اليه واستناروا ووجوههم لم تخجل.
6Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
6هذا المسكين صرخ والرب استمعه ومن كل ضيقاته خلصه.
7Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila.
7ملاك الرب حال حول خائفيه وينجيهم.
8Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
8ذوقوا وانظروا ما اطيب الرب. طوبى للرجل المتوكل عليه.
9Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
9اتقوا الرب يا قديسيه لانه ليس عوز لمتقيه.
10Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
10الاشبال احتاجت وجاعت واما طالبو الرب فلا يعوزهم شيء من الخير
11Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
11هلم ايها البنون استمعوا اليّ فاعلّمكم مخافة الرب.
12Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
12من هو الانسان الذي يهوى الحياة ويحب كثرة الايام ليرى خيرا.
13Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.
13صن لسانك عن الشر وشفتيك عن التكلم بالغش.
14Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
14حد عن الشر واصنع الخير. اطلب السلامة واسع وراءها.
15Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
15عينا الرب نحو الصديقين واذناه الى صراخهم.
16Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
16وجه الرب ضد عاملي الشر ليقطع من الارض ذكرهم.
17Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
17اولئك صرخوا والرب سمع ومن كل شدائدهم انقذهم.
18Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
18قريب هو الرب من المنكسري القلوب ويخلص المنسحقي الروح.
19Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
19كثيرة هي بلايا الصدّيق ومن جميعها ينجيه الرب.
20Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto: wala isa man sa mga yaon na nababali.
20يحفظ جميع عظامه. واحد منها لا ينكسر.
21Papatayin ng kasamaan ang masama: at silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
21الشر يميت الشرير ومبغضو الصدّيق يعاقبون.
22Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod: at wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.
22الرب فادي نفوس عبيده وكل من اتكل عليه لا يعاقب