1Aking sinabi, ako'y magiingat sa aking mga lakad, upang huwag akong magkasala ng aking dila: aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, samantalang ang masama ay nasa harap ko.
1لامام المغنين. ليدوثون. مزمور لداود. قلت اتحفظ لسبيلي من الخطأ بلساني. احفظ لفمي كمامة فيما الشرير مقابلي.
2Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti; at ang aking kalungkutan ay lumubha.
2صمتّ صمتا سكتّ عن الخير فتحرك وجعي.
3Ang aking puso ay mainit sa loob ko; habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
3حمي قلبي في جوفي. عند لهجي اشتعلت النار. تكلمت بلساني.
4Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
4عرفني يا رب نهايتي ومقدار ايامي كم هي فاعلم كيف انا زائل.
5Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)
5هوذا جعلت ايامي اشبارا وعمري كلا شيء قدامك. انما نفخة كل انسان قد جعل. سلاه.
6Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
6انما كخيال يتمشى الانسان. انما باطلا يضجّون. يذخر ذخائر ولا يدري من يضمها
7At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pagasa ay nasa iyo.
7والآن ماذا انتظرت يا رب. رجائي فيك هو.
8Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang: huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
8من كل معاصيّ نجني. لا تجعلني عارا عند الجاهل.
9Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig; sapagka't ikaw ang gumawa.
9صمت. لا افتح فمي لانك انت فعلت.
10Iurong mo sa akin ang iyong suntok: ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
10ارفع عني ضربك من مهاجمة يدك انا قد فنيت.
11Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
11بتأديبات ان ادبت الانسان من اجل اثمه افنيت مثل العث مشتهاه. انما كل انسان نفخة. سلاه.
12Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang.
12استمع صلاتي يا رب واصغ الى صراخي. لا تسكت عن دموعي. لاني انا غريب عندك. نزيل مثل جميع آبائي.
13Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas, Bago ako manaw, at mawala.
13اقتصر عني فاتبلج قبل ان اذهب فلا اوجد