1Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
1لامام المغنين. مزمور لداود عندما جاء اليه ناثان النبي بعد ما دخل الى بثشبع. ارحمني يا الله حسب رحمتك. حسب كثرة رأفتك امح معاصيّ.
2Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan.
2اغسلني كثيرا من اثمي ومن خطيتي طهرني.
3Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
3لاني عارف بمعاصيّ وخطيتي امامي دائما.
4Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka.
4اليك وحدك اخطأت والشر قدام عينيك صنعت لكي تتبرر في اقوالك وتزكو في قضائك.
5Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
5هانذا بالاثم صوّرت وبالخطية حبلت بي امي
6Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
6ها قد سررت بالحق في الباطن ففي السريرة تعرّفني حكمة.
7Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
7طهّرني بالزوفا فاطهر. اغسلني فابيضّ اكثر من الثلج.
8Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
8اسمعني سرورا وفرحا. فتبتهج عظام سحقتها.
9Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
9استر وجهك عن خطاياي وامح كل آثامي
10Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
10قلبا نقيا اخلق فيّ يا الله وروحا مستقيما جدّد في داخلي.
11Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
11لا تطرحني من قدام وجهك وروحك القدوس لا تنزعه مني.
12Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.
12رد لي بهجة خلاصك وبروح منتدبة اعضدني.
13Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo.
13فاعلم الاثمة طرقك والخطاة اليك يرجعون
14Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
14نجني من الدماء يا الله اله خلاصي. فيسبح لساني برك.
15Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
15يا رب افتح شفتيّ فيخبر فمي بتسبيحك.
16Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
16لانك لا تسرّ بذبيحة والا فكنت اقدمها. بمحرقة لا ترضى.
17Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
17ذبائح الله هي روح منكسرة. القلب المنكسر والمنسحق يا الله لا تحتقره
18Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem.
18احسن برضاك الى صهيون. ابن اسوار اورشليم.
19Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.
19حينئذ تسرّ بذبائح البر محرقة وتقدمة تامة. حينئذ يصعدون على مذبحك عجولا