1Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso.
1مزمور لآساف. انما صالح الله لاسرائيل لانقياء القلب.
2Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas.
2اما انا فكادت تزل قدماي. لولا قليل لزلقت خطواتي.
3Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
3لاني غرت من المتكبرين اذ رايت سلامة الاشرار.
4Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag.
4لانه ليست في موتهم شدائد وجسمهم سمين.
5Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
5ليسوا في تعب الناس ومع البشر لا يصابون.
6Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
6لذلك تقلدوا الكبرياء. لبسوا كثوب ظلمهم.
7Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
7جحظت عيونهم من الشحم. جاوزوا تصورات القلب.
8Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan.
8يستهزئون ويتكلمون بالشر ظلما من العلاء يتكلمون.
9Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
9جعلوا افواههم في السماء وألسنتهم تتمشى في الارض.
10Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
10لذلك يرجع شعبه الى هنا وكمياه مروية يمتصون منهم.
11At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
11وقالوا كيف يعلم الله وهل عند العلي معرفة.
12Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
12هوذا هؤلاء هم الاشرار ومستريحين الى الدهر يكثرون ثروة
13Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
13حقا قد زكّيت قلبي باطلا وغسلت بالنقاوة يدي.
14Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga.
14وكنت مصابا اليوم كله وتأدبت كل صباح.
15Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
15لو قلت احدّث هكذا لغدرت بجيل بنيك.
16Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin;
16فلما قصدت معرفة هذا اذ هو تعب في عينيّ.
17Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas,
17حتى دخلت مقادس الله وانتبهت الى آخرتهم.
18Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
18حقا في مزالق جعلتهم. اسقطتهم الى البوار.
19Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
19كيف صاروا للخراب بغتة. اضمحلوا فنوا من الدواهي.
20Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
20كحلم عند التيّقظ يا رب عند التيقظ تحتقر خيالهم
21Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako:
21لانه تمرمر قلبي وانتخست في كليتيّ.
22Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.
22وانا بليد ولا اعرف. صرت كبهيم عندك.
23Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan.
23ولكني دائما معك. امسكت بيدي اليمنى.
24Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
24برأيك تهديني وبعد الى مجد تأخذني.
25Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.
25من لي في السماء. ومعك لا اريد شيئا في الارض.
26Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man.
26قد فني لحمي وقلبي. صخرة قلبي ونصيبي الله الى الدهر.
27Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.
27لانه هوذا البعداء عنك يبيدون. تهلك كل من يزني عنك.
28Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
28اما انا فالاقتراب الى الله حسن لي. جعلت بالسيد الرب ملجإي لاخبر بكل صنائعك