Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Psalms

89

1Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
1قصيدة لايثان الازراحي‎. ‎بمراحم الرب اغني الى الدهر. لدور فدور اخبر عن حقك بفمي‎.
2Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
2‎لاني قلت ان الرحمة الى الدهر تبنى. السموات تثبت فيها حقك‎.
3Ako'y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod;
3‎قطعت عهدا مع مختاري. حلفت لداود عبدي
4Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah)
4الى الدهر اثبت نسلك وابني الى دور فدور كرسيك. سلاه‎.
5At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal.
5‎والسموات تحمد عجائبك يا رب وحقك ايضا في جماعة القديسين‎.
6Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
6‎لانه من في السماء يعادل الرب. من يشبه الرب بين ابناء الله‎.
7Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
7‎اله مهوب جدا في مؤامرة القديسين ومخوف عند جميع الذين حوله
8Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
8يا رب اله الجنود من مثلك قوي رب وحقك من حولك‎.
9Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat: pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
9‎انت متسلط على كبرياء البحر. عند ارتفاع لججه انت تسكنها‎.
10Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay; iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
10‎انت سحقت رهب مثل القتيل. بذراع قوتك بددت اعداءك‎.
11Ang langit ay iyo, ang lupa ay iyo rin: ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag,
11‎لك السموات. لك ايضا الارض . المسكونة وملؤها انت اسّستهما‏‎.
12Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
12‎الشمال والجنوب انت خلقتهما. تابور وحرمون باسمك يهتفان‎.
13Ikaw ay may makapangyarihang bisig: malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
13‎لك ذراع القدرة. قوية يدك. مرتفعة يمينك‎.
14Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
14‎العدل والحق قاعدة كرسيك. الرحمة والامانة تتقدمان امام وجهك.
15Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
15طوبى للشعب العارفين الهتاف. يا رب بنور وجهك يسلكون‎.
16Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw: at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
16‎باسمك يبتهجون اليوم كله وبعدلك يرتفعون‎.
17Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan: at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay.
17‎لانك انت فخر قوتهم وبرضاك ينتصب قرننا‎.
18Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon; at ang aming hari ay sa banal ng Israel.
18‎لان الرب مجننا وقدوس اسرائيل ملكنا
19Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
19حينئذ كلمت برؤيا تقيك وقلت جعلت عونا على قوي. رفعت مختارا من بين الشعب‎.
20Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
20‎وجدت داود عبدي. بدهن قدسي مسحته‎.
21Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig.
21‎الذي تثبت يدي معه. ايضا ذراعي تشدده‎.
22Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
22‎لا يرغمه عدو وابن الاثم لا يذلله‎.
23At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
23‎واسحق اعداءه امام وجهه واضرب مبغضيه‎.
24Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay.
24‎اما امانتي ورحمتي فمعه وباسمي ينتصب قرنه‎.
25Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
25‎واجعل على البحر يده وعلى الانهار يمينه‎.
26Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
26‎هو يدعوني ابي انت. الهي وصخرة خلاصي‎.
27Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa.
27‎انا ايضا اجعله بكرا اعلى من ملوك الارض‎.
28Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
28‎الى الدهر احفظ له رحمتي. وعهدي يثبت له‎.
29Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit.
29‎واجعل الى الابد نسله وكرسيه مثل ايام السموات‎.
30Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
30‎ان ترك بنوه شريعتي ولم يسلكوا باحكامي
31Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko;
31ان نقضوا فرائضي ولم يحفظوا وصاياي
32Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
32افتقد بعصا معصيتهم وبضربات اثمهم‎.
33Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
33‎اما رحمتي فلا انزعها عنه ولا اكذب من جهة امانتي‎.
34Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
34‎لا انقض عهدي ولا اغيّر ما خرج من شفتيّ‎.
35Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David;
35‎مرة حلفت بقدسي اني لا اكذب لداود‎.
36Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.
36‎نسله الى الدهر يكون وكرسيه كالشمس امامي‎.
37Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah)
37‎مثل القمر يثبت الى الدهر. والشاهد في السماء امين. سلاه
38Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
38لكنك رفضت ورذلت. غضبت على مسيحك‎.
39Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
39‎نقضت عهد عبدك. نجست تاجه في التراب‎.
40Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
40‎هدمت كل جدرانه. جعلت حصونه خرابا‎.
41Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
41‎افسده كل عابري الطريق. صار عارا عند جيرانه‎.
42Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
42‎رفعت يمين مضايقيه. فرحت جميع اعدائه‎.
43Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
43‎ايضا رددت حد سيفه ولم تنصره في القتال‎.
44Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
44‎ابطلت بهاءه والقيت كرسيه الى الارض‎.
45Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
45‎قصرت ايام شبابه غطيته بالخزي. سلاه
46Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
46حتى متى يا رب تختبئ كل الاختباء. حتى متى يتقد كالنار غضبك
47Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
47اذكر كيف انا زائل. الى اي باطل خلقت جميع بني آدم‎.
48Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
48‎اي انسان يحيا ولا يرى الموت اي ينجي نفسه من يد الهاوية. سلاه‎.
49Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
49‎اين مراحمك الأول يا رب التي حلفت بها لداود بامانتك‎.
50Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
50‎اذكر يا رب عار عبيدك. الذي احتمله في حضني من كثرة الامم كلها
51Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
51الذي به عير اعداؤك يا رب الذين عيّروا آثار مسيحك‎.
52Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.
52‎مبارك الرب الى الدهر. آمين فآمين