Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Psalms

96

1Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
1رنموا للرب ترنيمة جديدة رنمي للرب يا كل الارض‎.
2Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
2‎رنموا للرب باركوا اسمه بشروا من يوم الى يوم بخلاصه‎.
3Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan.
3‎حدثوا بين الامم بمجده بين جميع الشعوب بعجائبه‎.
4Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
4‎لان الرب عظيم وحميد جدا مهوب هو على كل الآلهة‎.
5Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
5‎لان كل آلهة الشعوب اصنام اما الرب فقد صنع السموات‎.
6Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya: kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
6‎مجد وجلال قدامه. العزّ والجمال في مقدسه
7Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
7قدموا للرب يا قبائل الشعوب قدموا للرب مجدا وقوة‎.
8Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan; kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban.
8‎قدموا للرب مجد اسمه. هاتوا تقدمة وادخلوا دياره‎.
9Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
9‎اسجدوا للرب في زينة مقدسة. ارتعدي قدامه يا كل الارض‎.
10Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, ang Panginoon ay naghahari: ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos: kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
10‎قولوا بين الامم الرب قد ملك. ايضا تثبتت المسكونة فلا تتزعزع. يدين الشعوب بالاستقامة‎.
11Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon;
11‎لتفرح السموات ولتبتهج الارض ليعج البحر وملؤه
12Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya; kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
12ليجذل الحقل وكل ما فيه لتترنم حينئذ كل اشجار الوعر
13Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating: sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.
13امام الرب لانه جاء. جاء ليدين الارض. يدين المسكونة بالعدل والشعوب بامانته