1Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao, ni magnasa ka man na masama sa kanila:
1Be not thou envious against evil men; Neither desire to be with them:
2Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.
2For their heart studieth oppression, And their lips talk of mischief.
3Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.
3Through wisdom is a house builded; And by understanding it is established;
4At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid, ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
4And by knowledge are the chambers filled With all precious and pleasant riches.
5Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
5A wise man is strong; Yea, a man of knowledge increaseth might
6Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
6For by wise guidance thou shalt make thy war; And in the multitude of counsellors there is safety.
7Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang: hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
7Wisdom is too high for a fool: He openeth not his mouth in the gate.
8Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan, tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
8He that deviseth to do evil, Men shall call him a mischief-maker.
9Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.
9The thought of foolishness is sin; And the scoffer is an abomination to men.
10Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti.
10If thou faint in the day of adversity, Thy strength is small.
11Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan, at ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik.
11Deliver them that are carried away unto death, And those that are ready to be slain see that thou hold back.
12Kung iyong sinasabi, narito, hindi kami nakakaalam nito: hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
12If thou sayest, Behold, we knew not this; Doth not he that weigheth the hearts consider it? And he that keepeth thy soul, doth not he know it? And shall not he render to every man according to his work?
13Anak ko, kumain ka ng pulot, sapagka't mabuti; at ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa:
13My son, eat thou honey, for it is good; And the droppings of the honeycomb, which are sweet to thy taste:
14Sa gayo'y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa: kung iyong nasumpungan ito, sa gayo'y magkakaroon ka nga ng kagantihan, at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
14So shalt thou know wisdom to be unto thy soul; If thou hast found it, then shall there be a reward, And thy hope shall not be cut off.
15Huwag kang bumakay, Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid; huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan:
15Lay not wait, O wicked man, against the habitation of the righteous; Destroy not his resting-place:
16Sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: nguni't ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.
16For a righteous man falleth seven times, and riseth up again; But the wicked are overthrown by calamity.
17Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal, at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal:
17Rejoice not when thine enemy falleth, And let not thy heart be glad when he is overthrown;
18Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
18Lest Jehovah see it, and it displease him, And he turn away his wrath from him.
19Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
19Fret not thyself because of evil-doers; Neither be thou envious at the wicked:
20Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
20For there shall be no reward to the evil man; The lamp of the wicked shall be put out.
21Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
21My son, fear thou Jehovah and the king; [And] company not with them that are given to change:
22Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
22For their calamity shall rise suddenly; And the destruction from them both, who knoweth it?
23Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
23These also are [sayings] of the wise. To have respect of persons in judgment is not good.
24Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
24He that saith unto the wicked, Thou art righteous; Peoples shall curse him, nations shall abhor him:
25Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
25But to them that rebuke [him] shall be delight, And a good blessing shall come upon them.
26Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
26He kisseth the lips Who giveth a right answer.
27Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.
27Prepare thy work without, And make it ready for thee in the field; And afterwards build thy house.
28Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
28Be not a witness against thy neighbor without cause; And deceive not with thy lips.
29Huwag mong sabihin, gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin: aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.
29Say not, I will do so to him as he hath done to me; I will render to the man according to his work.
30Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
30I went by the field of the sluggard, And by the vineyard of the man void of understanding;
31At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.
31And, lo, it was all grown over with thorns, The face thereof was covered with nettles, And the stone wall thereof was broken down.
32Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
32Then I beheld, and considered well; I saw, and received instruction:
33Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
33[Yet] a little sleep, a little slumber, A little folding of the hands to sleep;
34Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.
34So shall thy poverty come as a robber, And thy want as an armed man.