Tagalog 1905

Darby's Translation

1 Samuel

29

1Pinisan nga ng mga Filisteo ang lahat nilang hukbo sa Aphec: at ang mga taga Israel ay humantong sa bukal na nasa Jezreel.
1And the Philistines gathered together all their armies to Aphek; and Israel encamped by the spring that is in Jizreel.
2At ang mga pangulo ng mga Filisteo ay nagdadaan na mga daan daan, at mga libolibo: at si David at ang kaniyang mga tao ay nagdadaan sa mga huli na kasama ni Achis.
2And the lords of the Philistines passed on by hundreds and by thousands; and David and his men passed on in the rearward with Achish.
3Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, Ano ang mga Hebreong ito? At sumagot si Achis sa mga prinsipe ng mga Filisteo, Hindi ba ito ay si David na lingkod ni Saul na hari sa Israel na napasa akin ng mga araw na ito, o ng mga taong ito, at hindi ako nakasumpong ng anomang kakulangan sa kaniya mula nang siya'y lumapit sa akin hanggang sa araw na ito?
3And the princes of the Philistines said, What are these Hebrews? And Achish said to the princes of the Philistines, Is not this David, the servant of Saul the king of Israel, who has been with me these days, or these years, and I have found nothing in him since the day of his falling away [to me] to this day?
4Nguni't ang mga prinsipe ng mga Filisteo ay nagalit sa kaniya; at sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo sa kaniya, Pabalikin mo ang taong iyan, upang siya'y bumalik sa kaniyang dako na iyong pinaglagyan sa kaniya, at huwag mong pababain na kasama natin sa pakikipagbaka, baka sa pagbabaka ay maging kaaway natin siya: sapagka't paanong makikipagkasundo ito sa kaniyang panginoon? hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng mga taong ito?
4But the princes of the Philistines were wroth with him; and the princes of the Philistines said to him, Make the man return, that he may go again to his place where thou hast appointed him, that he go not down with us to the battle, that in the battle he be not an adversary to us; for wherewith should this [fellow] reconcile himself to his master? should it not be with the heads of these men?
5Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw, na sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksalaksa?
5Is not this David, of whom they sang one to another in dances, saying, Saul smote his thousands, and David his ten thousands?
6Nang magkagayo'y tinawag ni Achis si David, at sinabi sa kaniya, Buhay ang Panginoon, ikaw ay matuwid, at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok na kasama ko sa hukbo ay mabuti sa aking paningin: sapagka't hindi ako nakasumpong ng kasamaan sa iyo mula sa araw ng iyong pagdating sa akin hanggang sa araw na ito: gayon ma'y hindi ka kinalulugdan ng mga pangulo.
6And Achish called David, and said to him, [As] Jehovah liveth, thou art upright, and thy going out and thy coming in with me in the camp is acceptable to me; for I have not found evil in thee since the day of thy coming to me to this day; but thou art not acceptable to the lords.
7Kaya't ngayo'y ikaw ay bumalik at yumaong payapa, upang huwag kang kagalitan ng mga pangulo ng mga Filisteo.
7And now return, and go in peace, that thou displease not the lords of the Philistines.
8At sinabi ni David kay Achis, Nguni't anong aking ginawa? at anong iyong nasumpungan sa iyong lingkod habang ako'y nasa sa harap mo hanggang sa araw na ito, upang ako'y huwag yumaon at lumaban sa mga kaaway ng aking panginoon na hari?
8And David said to Achish, But what have I done? and what hast thou found in thy servant so long as I have been with thee to this day, that I should not go and fight against the enemies of my lord the king?
9At sumagot si Achis, at sinabi kay David, Talastas ko na ikaw ay mabuti sa aking paningin, na gaya ng isang anghel ng Dios: gayon ma'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo. Hindi siya aahon na kasama natin sa pakikipagbaka.
9And Achish answered and said to David, I know that thou art acceptable to me, as an angel of God; nevertheless the princes of the Philistines have said, He shall not go up with us to the battle.
10Kaya't bumangon kang maaga sa kinaumagahan na kasama ng mga lingkod ng iyong panginoon na naparitong kasama mo; at pagbangon ninyong maaga sa kinaumagahan, at pagliliwanag ay yumaon kayo.
10And now rise up early in the morning with thy master's servants that are come with thee; and rise ye early in the morning, and when ye have daylight, depart.
11Sa gayo'y bumangong maaga si David, siya at ang kaniyang mga lalake, upang yumaon sa kinaumagahan, na bumalik sa lupain ng mga Filisteo. At ang mga Filisteo ay umahon sa Jezreel.
11And David rose up early, he and his men, to depart in the morning, to return into the land of the Philistines. And the Philistines went up to Jizreel.