1At nangyari, nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa Siclag, sa ikatlong araw, na ang mga Amalecita ay sumalakay sa Timugan, at sa Siclag, at sinaktan ang Siclag, at sinunog ng apoy;
1And it came to pass, when David and his men came to Ziklag on the third day, that the Amalekites had made a raid upon the south, and upon Ziklag, and smitten Ziklag and burned it with fire;
2At dinalang bihag ang mga babae at lahat na nandoon, ang maliliit at gayon din ang malalaki; hindi nila pinatay ang sinoman, kundi kanilang pinagdadala, at nagpatuloy ng kanilang lakad.
2and had taken the women captives that were in it; both great and small: they had put none to death, but had carried them off, and went on their way.
3At nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa bayan, narito, sinunog ng apoy; at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak na lalake at babae ay pinagdadalang bihag.
3And David and his men came to the city, and behold, it was burnt with fire; and their wives, and their sons, and their daughters were taken captives.
4Nang magkagayo'y si David at ang bayan na nasa kaniya ay naglakas ng tinig, at umiyak, hanggang sa sila'y nawalan ng lakas na umiyak.
4Then David and the people that were with him lifted up their voice and wept, until they had no more power to weep.
5At ang dalawang asawa ni David ay nabihag, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail, na asawa ni Nabal, na taga Carmelo.
5And David's two wives were taken captives, Ahinoam the Jizreelitess, and Abigail the wife of Nabal the Carmelite.
6At nagdalamhating totoo si David, sapagka't pinagsasalitaan ng bayan na batuhin siya, sapagka't ang kaluluwa ng buong bayan ay pumanglaw, bawa't tao dahil sa kanikaniyang mga anak na lalake at babae; nguni't si David ay nagpakatibay sa Panginoon niyang Dios.
6And David was greatly distressed; for the people spoke of stoning him; for the soul of all the people was embittered, every man because of his sons and because of his daughters; but David strengthened himself in Jehovah his God.
7At sinabi ni David kay Abiathar na saserdote, na anak ni Ahimelech, Isinasamo ko sa iyo na dalhin mo rito ang epod. At dinala doon ni Abiathar ang epod kay David.
7And David said to Abiathar the priest, Ahimelech's son, Bring near to me, I pray thee, the ephod. And Abiathar brought the ephod near to David.
8At sumangguni si David sa Panginoon, na nagsasabi, Kung aking habulin ang pulutong na ito, ay akin kayang aabutan sila? At sinagot niya siya, Iyong habulin: sapagka't tunay na iyong aabutan, at walang pagsalang mababawi mo ang lahat.
8And David inquired of Jehovah, saying, Shall I pursue after this troop? shall I overtake them? And he said to him, Pursue; for thou shalt assuredly overtake [them] and shalt certainly recover.
9Sa gayo'y yumaon si David, siya at ang anim na raang lalake na kasama niya, at naparoon sa batis ng Besor, na kinaroroonan niyaong mga naiwan sa likuran.
9So David went, he and the six hundred men that were with him, and they came to the torrent Besor; and those that were left stayed behind.
10Nguni't hinabol ni David, niya at ng apat na raang lalake: sapagka't ang dalawang daan natira sa likuran, na mga pata na hindi na nakatawid sa batis ng Besor:
10And David pursued, he and four hundred men; for two hundred stayed behind, who were too exhausted to go over the torrent Besor.
11At sila'y nakasumpong ng isang taga Egipto sa parang, at dinala nila siya kay David, at binigyan nila siya ng tinapay, at kumain: at binigyan nila siya ng tubig na mainom:
11And they found an Egyptian in the field, and brought him to David, and gave him bread, and he ate; and they gave him water to drink,
12At binigyan nila siya ng isang putol ng binilong igos, at dalawang buwig na ubas; at nang kaniyang makain, ang kaniyang diwa ay nagsauli uli sa kaniya: sapagka't hindi siya nakakain ng tinapay o nakainom man ng tubig, na tatlong araw at tatlong gabi.
12and gave him a piece of fig-cake and two raisin-cakes, and he ate, and his spirit came again to him; for he had eaten no bread, nor drunk any water, for three days and three nights.
13At sinabi ni David sa kaniya, Kanino ka ba nauukol? at taga saan ka? At sinabi niya, Ako'y isang binatang taga Egipto, bataan ng isang Amalecita; at iniwan ako ng aking panginoon, sapagka't tatlong araw na ako'y nagkasakit.
13And David said to him, To whom belongest thou? and whence art thou? And he said, I am a young man of Egypt, servant of an Amalekite; and my master left me, because three days ago I fell sick.
14Kami ay sumalakay sa Timugan ng mga Ceretheo, at sa nauukol sa Juda, at sa Timugan ng Caleb; at aming sinunog ng apoy ang Siclag.
14We made a raid against the south of the Cherethites, and against what [belongs] to Judah, and against the south of Caleb; and we burned Ziklag with fire.
15At sinabi ni David sa kaniya, Ilulusong mo ba ako sa pulutong na ito? At kaniyang sinabi, Ipanumpa mo sa akin ang Dios, hindi mo ako papatayin, o ibibigay man sa mga kamay ng aking panginoon, at aking ilulusong ka sa pulutong na ito.
15And David said to him, Canst thou bring me down to this troop? And he said, Swear to me by God, that thou wilt neither put me to death nor deliver me up into the hand of my master, and I will bring thee down to this troop.
16At nang kaniyang mailusong, narito, sila'y nangangalat sa buong lupa, na nagkakainan at nagiinuman, at nagkakasayahan, dahil sa lahat na malaking samsam na kanilang nakuha sa lupain ng mga Filisteo, at sa lupain ng Juda.
16And he brought him down, and behold, they were spread over the whole land, eating and drinking, and dancing, because of all the great spoil that they had taken out of the land of the Philistines, and out of the land of Judah.
17At sinaktan ni David sila mula sa pagtatakip silim hanggang sa paglubog ng araw sa sumunod na araw: at walang taong nakatanan sa kanila liban sa apat na raang bataan na nakasakay sa mga kamelyo at tumakas.
17And David smote them from the twilight even to the evening of the next day; and there escaped not a man of them, save four hundred young men, who rode upon camels, and fled.
18At binawi ni David ang lahat na nakuha ng mga Amalecita: at iniligtas ni David ang kaniyang dalawang asawa.
18And David recovered all that the Amalekites had taken: and David recovered his two wives.
19At walang nagkulang sa kanila, kahit maliit o malaki man, kahit mga anak na lalake o babae man, kahit samsam man, kahit anomang bagay na nakuha nila sa kanila: ibinalik na lahat ni David.
19And there was nothing missed by them, neither small nor great, neither sons nor daughters, neither spoil nor anything that they had taken: David brought all back.
20At kinuha ni David ang lahat ng kawan at bakahan, na kanilang dinala na nasa unahan niyaong mga ibang hayop, at sinabi, Ito'y samsam ni David.
20And David took all the flocks and the herds, [which] they drove before the other cattle, and said, This is David's spoil.
21At naparoon si David sa dalawang daang lalake, na totoong mga pata na hindi nangakasunod kay David, na kanila namang pinatahan sa batis ng Besor; at sila'y lumabas upang salubungin si David, at upang salubungin ang mga taong kasama niya: at nang lumapit si David sa bayan, siya'y bumati sa kanila.
21And David came to the two hundred men who had been too exhausted to follow David, and whom they had left behind at the torrent Besor; and they went forth to meet David, and to meet the people that were with him; and David drew near to the people and saluted them.
22Nang magkagayo'y sumagot ang lahat ng masamang tao, at mga tao na hamak, sa mga yumaong kasama ni David, at nagsabi, Sapagka't hindi sila yumaong kasama namin, hindi namin bibigyan sila ng samsam na aming nabawi, liban sa bawa't lalake ay ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, upang kanilang dalhin, at yumaon.
22And all the wicked men, and [men] of Belial, of those that had gone with David, answered and said, Because they went not with us, we will not give them [aught] of the spoil that we have recovered, save to every man his wife and his children, that they may lead [them] away and depart.
23Nang magkagayo'y sinabi ni David, Huwag ninyong gagawing gayon, mga kapatid ko, sa ibinigay sa atin ng Panginoon, na siyang nagadya sa atin, at nagbigay sa ating kamay ng pulutong na naparito laban sa atin.
23Then said David, Ye shall not do so, my brethren, with that which Jehovah has given us, who has preserved us, and given the troop that came against us into our hand.
24At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito? sapagka't kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka, ay gayon ang bahagi ng naiwan sa daladalahan: sila'y paraparang magkakabahagi.
24And who will hearken to you in this matter? For as his share is that goes down to the battle, so shall his share be that abides by the baggage: they shall share alike.
25At nagkagayon, na mula sa araw na yaon, na siya'y gumawa ng isang palatuntunan at ayos sa Israel, hanggang sa araw na ito.
25And it was [so] from that day forward; and he made it a statute and an ordinance for Israel to this day.
26At nang dumating si David sa Siclag, siya'y nagpadala ng mga samsam sa mga matanda sa Juda, sa makatuwid baga'y sa kaniyang mga kaibigan, na sinasabi, Narito, ang isang kaloob sa inyo na mula sa samsam sa mga kaaway ng Panginoon;
26And David came to Ziklag, and he sent of the spoil to the elders of Judah, to his friends, saying, Behold a present for you of the spoil of the enemies of Jehovah:
27Sa kanila na nasa Beth-el, at sa kanila na nasa Ramoth ng Timugan, at sa kanila na nasa Jathir;
27to those in Bethel, and to those in south Ramoth, and to those in Jattir,
28At sa kanila na nasa Aroer, at sa kanila na nasa Siphmoth, at sa kanila na nasa Esthemoa;
28and to those in Aroer, and to those in Siphmoth, and to those in Eshtemoa,
29At sa kanila na nasa Rachal, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Jerameelita, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Cineo;
29and to those in Rachal, and to those in the cities of the Jerahmeelites, and to those in the cities of the Kenites,
30At sa kanila na sa Horma, at sa kanila na nasa Chorasan, at sa kanila na nasa Athach;
30and to those in Hormah, and to those in Chor-ashan, and to those in Athach,
31At sa kanila na nasa Hebron, at sa lahat na dako na karaniwang pinaroroonan ni David at ng kaniyang mga lalake.
31and to those in Hebron, and to all the places where David himself and his men went about.