1Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios; sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
1{To the chief Musician. On Jeduthun. Of Asaph. A Psalm.} My voice is unto God, and I will cry; my voice is unto God, and he will give ear unto me.
2Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon: ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
2In the day of my trouble, I sought the Lord: my hand was stretched out in the night, and slacked not; my soul refused to be comforted.
3Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
3I remembered God, and I moaned; I complained, and my spirit was overwhelmed. Selah.
4Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
4Thou holdest open mine eyelids; I am full of disquiet and cannot speak.
5Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.
5I consider the days of old, the years of ancient times.
6Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
6I remember my song in the night; I muse in mine own heart, and my spirit maketh diligent search.
7Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa?
7Will the Lord cast off for ever? and will he be favourable no more?
8Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako?
8Hath his loving-kindness ceased for ever? hath [his] word come to an end from generation to generation?
9Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
9Hath ùGod forgotten to be gracious? or hath he in anger shut up his tender mercies? Selah.
10At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
10Then said I, This is my weakness: -- the years of the right hand of the Most High
11Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
11Will I remember, -- the works of Jah; for I will remember thy wonders of old,
12Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
12And I will meditate upon all thy work, and muse upon thy doings.
13Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
13O God, thy way is in the sanctuary: who is so great a ùgod as God?
14Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
14Thou art the ùGod that doest wonders; thou hast declared thy strength among the peoples.
15Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah)
15Thou hast with [thine] arm redeemed thy people, the sons of Jacob and Joseph. Selah.
16Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot: ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
16The waters saw thee, O God, the waters saw thee; they trembled, yea, the depths were troubled:
17Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos.
17The thick clouds poured out water; the skies sent out a sound, yea, thine arrows went abroad:
18Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan: ang lupa ay nayanig at umuga.
18The voice of thy thunder was in the whirlwind, lightnings lit up the world; the earth was troubled and it quaked.
19Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala.
19Thy way is in the sea, and thy paths are in the great waters; and thy footsteps are not known.
20Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
20Thou leddest thy people like a flock by the hand of Moses and Aaron.