Tagalog 1905

Estonian

Job

7

1Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
1Eks ole inimesel maa peal võitlemist ja tema päevad nagu palgalise päevad?
2Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
2Otsekui sulane, kes igatseb varju, ja nagu palgaline, kes ootab oma tasu,
3Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
3nõnda sain ma enesele pärisosaks piinakuud ja mulle määrati vaevaööd.
4Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
4Kui ma magama heidan, siis ma mõtlen: 'Millal võin tõusta?' ja kui olen üles tõusnud, siis: 'Millal tuleb õhtu?' Ma olen koiduni täis rahutust.
5Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.
5Mu ihu on kaetud ussikeste ja mullakamaraga, mu nahk on kärnas ja kurtunud.
6Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
6Mu päevad on kärmemad kui süstik ja lõpevad lootuseta.
7Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
7Pea meeles, et mu elu on otsekui tuuleiil, ei saa mu silm enam õnne näha.
8Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
8Enam ei näe mind silm, mis mind praegu vaatab, su silmad otsivad mind, aga mind ei ole enam.
9Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
9Pilv kaob ja läheb ära: nõnda ei tõuse ka see, kes läheb alla surmavalda.
10Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
10Ta ei tule enam tagasi oma kotta ja tema ase ei tunne teda enam.
11Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.
11Seepärast ei taha minagi keelata oma suud: ma räägin oma vaimu ahastuses, kaeblen oma hinge kibeduses.
12Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
12Kas ma olen meri või meremadu, et sa paned mu üle valve?
13Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
13Kui ma mõtlen: 'Mu voodi peab mind trööstima, mu magamisase mu kaebust kandma',
14Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
14siis sa kohutad mind unenägudes ja teed mulle hirmu nägemustega,
15Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
15nõnda et mu hing peab paremaks lämbumist, pigem surm kui need mu kondid!
16Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.
16Küllalt! Ma ei taha elada igavesti! Jäta mind! Mu päevad ongi ju ainult õhk.
17Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
17Mis on inimene, et sa pead teda suureks ja et sa paned teda tähele,
18At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?
18vaatad ta järele igal hommikul ja katsud teda läbi igal hetkel?
19Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
19Kas sa ei pööragi oma pilku ära mu pealt ega jäta mind süljeneelamise ajakski?
20Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
20Kui ma ka olen pattu teinud, mida ma siis sellega teen sinule, sa inimese valvur? Miks panid minu enesele märklauaks ja miks olen saanud sulle koormaks?
21At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok; at ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.
21Miks sa ei anna andeks mu üleastumist ega võta ära mu süüd? Sest nüüd ma lähen mulda magama ja kui sa mind otsid, siis ei ole mind enam.'