1Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!
1Kuidas küll istub üksinda see kord nii rahvarohke linn! Kes rahvaste seas oli suur, on saanud lesknaise sarnaseks. Vürstitar maakondade hulgas peab tegema orjatööd.
2Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.
2Ta nutab öösel kibedasti, pisarad voolavad tal üle näo. Pole tal trööstijat ühestki armastajast: kõik ta sõbrad on teda petnud, on saanud ta vaenlasteks.
3Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.
3Juuda on sattunud viletsusse ja ränka orjusesse, ta elab paganate seas ega leia hingamist. Kõik jälitajad saavad ta kätte keset kitsikusi.
4Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.
4Siioni teed leinavad, et pole pühiks tulijaid. Kõik ta väravad on tühjad, ta preestrid ohkavad. Tema neitsid on kurvad ja tal enesel on kibe käes.
5Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.
5Tema rõhujad on saanud võimu, tema vaenlastel käib käsi hästi. Sest Issand on toonud talle häda tema paljude üleastumiste pärast. Tema lastel on tulnud minna vangidena vaenlase ees.
6At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.
6Siioni tütrelt on kõik ta toredus läinud. Tema vürstid on nagu hirved, kes ei leia karjamaad; nad astuvad jõuetult tagaajaja ees.
7Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
7Jeruusalemm mõtleb oma viletsuse ja kodutuse päevil kõigile kallistele asjadele, mis tal muistsest ajast on olnud. Et ta rahvas langes vaenlase kätte ja tal ei olnud aitajat, siis näevad vaenlased seda ja naeravad tema lõppu.
8Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
8Jeruusalemm on raskesti patustanud, seepärast on ta saanud jäleduseks. Kõik, kes teda austasid, põlastavad teda, sest nad on näinud ta alastiolekut. Ka tema ise ohkab ja tõmbub pelgu.
9Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
9Tema roojus on ta hõlmadel. Ta ei mõelnud oma lõpule ja on langenud hämmastaval viisil: tal pole trööstijat. Vaata, Issand, mu viletsust, sest vaenlane suurustab!
10Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
10Vaenlane sirutab käe kõigi ta kalliste asjade järele; sest ta sai näha, et ta pühamusse tulid paganad, need, keda sa olid keelanud, et nad ei tuleks su kogudusse.
11Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.
11Kogu ta rahvas ohkab ja otsib leiba: nad annavad oma aarded toidu eest, et pidada hinge sees. Vaata, Issand, ja näe, kui põlatud ma olen!
12Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
12Kas see teile ei lähegi korda, kõik, kes te mööda lähete? Vaadake ja nähke! Ons olemas valu, minu valu sarnast, mis mulle on tehtud, millega Issand mind on nuhelnud oma tulise viha päeval?
13Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako: kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw.
13Ta läkitas kõrgusest tule mu luudesse ja vaevas neid; ta laotas mu jalgadele võrgu, ta tõrjus mind tagasi; ta jättis mind üksikuks igavesti haigena.
14Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay; mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan: ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan.
14Mu üleastumiste ike on kokku seotud, tema käed põimisid need ühte: need tulid mu turjale, tema murdis mu jõu; Issand andis mu nende kätte, ma ei suuda üles tõusta.
15Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.
15Issand heitis kõrvale mu keskelt kõik vägevad; ta kutsus kokku peo minu vastu, et purustada mu noori mehi. Issand sõtkus surutõrt neitsile, Juuda tütrele.
16Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.
16Nende asjade pärast ma nutan, mu silmad, mu silmad voolavad vett. Sest kaugel on minust trööstija, kes turgutaks mu hinge. Mu lapsed on hävitatud, sest vaenlane on vägev.
17Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban: ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.
17Siion laiutab käsi, tal ei ole trööstijat. Issand on käsutanud vaenlastena Jaakobi vastu selle enese naabrid. Jeruusalemm on muutunud nende seas jäleduseks.
18Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos: inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan: ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
18Õiglane on tema, Issand, sest mina olen tõrkunud tema käsu vastu. Kuulge ometi, kõik rahvad, ja vaadake mu valu: mu neitsid ja noored mehed on läinud vangi.
19Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya nila: nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan, habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
19Ma kutsusin oma armastajaid, nad petsid mind. Mu preestrid ja vanemad surid linnas, kui nad otsisid enesele toitu, et turgutada oma hinge.
20Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
20Vaata, Issand, kuidas mul on kitsas käes: mu sisemus käärib, mu süda pööritab sees, sest ma olen kõvasti tõrkunud. Väljas teeb mõõk mind lastetuks, sees on päris surm.
21Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa: iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
21Nad on kuulnud, et ma ägan. Mul pole trööstijat. Kõik mu vaenlased on kuulnud mu õnnetusest, nad rõõmutsevad, et sina seda tegid. Too ometi päev, millest sa kuulutasid, et nende käsi käib samuti kui mul!
22Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo; at gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang: sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.
22Tulgu kõik nende kurjus su palge ette, ja talita nendega, nagu sa talitasid minuga kõigi mu üleastumiste pärast! Jah, mu ohkeid on palju ja mu süda on haige.