Tagalog 1905

Estonian

Lamentations

2

1Ano't tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa kaniyang galit! Kaniyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa ang kagandahan ng Israel, at hindi inalaala ang kaniyang tungtungan ng paa sa kaarawan ng kaniyang galit.
1Kuidas küll Issand oma vihas kattis pilvedega Siioni tütre! Ta heitis taevast maha Iisraeli ilu ega mõelnud oma jalgade järile oma vihapäeval.
2Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.
2Issand hävitas armuta kõik Jaakobi eluasemed; oma vihas lõhkus ta maha Juuda tütre kindlused; ta tegi need maatasa, teotas kuningriigi ja selle vürstid.
3Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong sungay ng Israel; kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway: at kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.
3Oma tulises vihas raius ta maha kõik Iisraeli sarved. Ta tõmbas tagasi oma parema käe vaenlase ees ja süttis Jaakobis otsekui tuleleek, mis põletab ümbruse.
4Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban, at pinatay ang lahat na maligaya sa mata: sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.
4Ta vinnastas oma ammu nagu vaenlane, seisis tõstetud parema käega nagu rõhuja ja tappis kõik silmarõõmu Siioni tütre telgis. Ta valas oma raevu välja kui tuld.
5Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel; kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan; at kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.
5Issand oli nagu vaenlane, ta hävitas Iisraeli; ta hävitas kõik tema paleed, purustas ta kindlused ja tõi Juuda tütrele hulgana kurvastust ja leina.
6At kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan; kaniyang sinira ang kaniyang mga dako ng kapulungan: ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at sabbath sa Sion, at hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote.
6Ta lammutas oma eluaseme otsekui aia, hävitas oma kogunemispaiga; Issand saatis Siionis unustusse pühad ja hingamispäevad, hülgas oma viha sajatuses kuningad ja preestrid.
7Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario; kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio: sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan.
7Issand tõukas ära oma altari, jättis maha oma pühamu, andis vaenlase kätte selle paleede müürid. Issanda kojast kostis kära otsekui pühade ajal.
8Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion; kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba: at kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; nanganglulupaypay kapuwa.
8Issand otsustas hävitada Siioni tütre müürid; ta vedas mõõdunööri neist üle ega hoidnud oma kätt tagasi neid hävitamast; ta pani leinama kaitsevalli ja müüri, need varisesid üheskoos.
9Ang kaniyang mga pintuang-bayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang: ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na hindi kinaroroonan ng kautusan; Oo, ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.
9Selle väravad vajusid maasse, ta hävitas ja murdis riivid. Selle kuningas ja vürstid on paganate seas, kus ei ole Seadust, prohvetidki ei saa seal Issandalt nägemust.
10Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, sila'y nagsisitahimik; sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang: itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
10Vaikides istuvad maas Siioni tütre vanemad: nad on riputanud enesele tuhka pähe, rõivastunud kotiriidesse. Oma pea on painutanud maani Jeruusalemma neitsid.
11Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso, ako'y lubhang nahahapis, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan, dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga lansangan ng bayan.
11Mu silmad on pisaraist kibedad, mu sisemus käärib, mu maks on valatud maha mu rahva tütre murdumise pärast. Sest linna turgudel on nõrkenud lapsed ja imikud.
12Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina, saan nandoon ang trigo at alak? Pagka sila'y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan, pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina.
12Nad küsivad emadelt: 'Kus on leib ja vein?', kui nad nõrkevad nagu haavatud linna turgudel, kui nad heidavad hinge oma ema süles.
13Ano ang aking patototohanan sa iyo? sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem? Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion? Sapagka't ang iyong sira ay malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?
13Mida võiksin sulle tunnistada, millega sind võrrelda, Jeruusalemma tütar? Mida võiksin pidada sinu sarnaseks, et sind trööstida, neitsi, Siioni tütar? Sest su purustus on suur nagu meri, kes suudaks sind parandada!
14Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan; at hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan, upang bawiin ang iyong pagkabihag, kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.
14Su prohvetid on kuulutanud sulle vääri ja mõttetuid nägemusi; aga nad ei ole paljastanud su süüd, et pöörata su saatust, vaid on sulle ilmutanud petlikke ja eksitavaid ennustusi.
15Lahat na nangagdaraan ay ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo; sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi, Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?
15Kõik teekäijad löövad sinu pärast käsi kokku, nad vilistavad ja vangutavad pead Jeruusalemma tütre pärast: 'Kas see on linn, mille kohta öeldi: ilu täius, kogu maa rõõm?'
16Ibinukang maluwang ng lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo: sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya; tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, aming nakita.
16Kõik su vaenlased ajavad oma suud ammuli su vastu, nad vilistavad ja kiristavad hambaid, nad ütlevad: 'Me oleme ta neelanud. See on tõesti päev, mida oleme oodanud, nüüd on see käes, me oleme seda näinud.'
17Ginawa ng Panginoon ang kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos nang mga kaarawan nang una; kaniyang ibinagsak, at hindi naawa: at kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang sungay ng iyong mga kalaban.
17Issand tegi, mida ta oli otsustanud, tegi tõeks oma sõna, mida ta oli kuulutanud muistsest ajast: ta lõhkus maha ega halastanud, ta laskis vaenlasel su pärast rõõmu tunda, ta kergitas su rõhujate sarve.
18Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon: Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi; huwag kang magpahinga; huwag maglikat ang itim ng iyong mata.
18Nende süda kisendab Issanda poole. Siioni tütre müür, lase pisarail voolata jõena päeval ja öösel! Ära luba enesele lõtvust, ärgu olgu su silmateral rahu!
19Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagpupuyat; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon: igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
19Tõuse, karju öösel vahikordade alguses! Vala oma süda välja kui vesi Issanda palge ette! Tõsta oma käed tema poole oma laste elu pärast, kes on näljast nõrkemas igal tänavanurgal!
20Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito! Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay? Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
20Vaata, Issand, ja silmitse, kellele sa nõnda oled teinud: kas naised peavad sööma oma ihuvilja, terveina sündinud lapsi? Kas tohib Issanda pühamus tappa preestrit ja prohvetit?
21Ang binata at ang matanda ay humihiga sa lupa sa mga lansangan; ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak: iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; iyong pinatay at hindi ka naawa.
21Tänavail lamab maas noor ja vana, mu neitsid ja noored mehed langesid mõõga läbi. Sina surmasid oma vihapäeval, tapsid, ei andnud armu.
22Tinawag mo, gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan, ang aking mga kakilabutan ay sa bawa't dako; at walang nakatanan, o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon: yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway.
22Sa kutsusid kokku nagu pidupäevaks mu vaenlased igalt poolt; Issanda vihapäeval ei jäänud põgenikku ega pääsenut: neile, keda olin ilmale toonud ja kasvatanud, tegi mu vaenlane lõpu.