1Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao, ni magnasa ka man na masama sa kanila:
1Beneide böse Menschen nicht und begehre nicht, es mit ihnen zu halten;
2Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.
2denn ihr Herz trachtet nach Schaden, und ihre Lippen reden Unheil!
3Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.
3Durch Weisheit wird ein Haus gebaut, und durch Verstand wird es sich behaupten;
4At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid, ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
4auch werden durch Einsicht seine Kammern mit allerlei köstlichem und lieblichem Gut gefüllt.
5Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
5Ein weiser Mann ist stark, und ein verständiger Mensch stählt seine Kraft.
6Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
6Denn durch kluge Maßregeln gewinnst du die Schlacht und durch die Menge der Ratgeber den Sieg.
7Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang: hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
7Die Weisheit ist dem Narren zu hoch; er tut seinen Mund nicht auf im Tor!
8Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan, tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
8Wer vorsätzlich Böses tut, den nenne man einen Bösewicht!
9Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.
9Dummheiten ersinnen ist Sünde, und ein Spötter ist ein abscheulicher Mensch!
10Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti.
10Zeigst du dich schwach am Tage der Not, so ist deine Kraft beschränkt!
11Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan, at ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik.
11Errette, die zum Tode geschleppt werden, und die zur Schlachtbank wanken, halte zurück!
12Kung iyong sinasabi, narito, hindi kami nakakaalam nito: hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
12Wenn du sagen wolltest: «Siehe, wir haben das nicht gewußt!» wird nicht der, welcher die Herzen prüft, es merken, und der deine Seele beobachtet, es wahrnehmen und dem Menschen vergelten nach seinem Tun?
13Anak ko, kumain ka ng pulot, sapagka't mabuti; at ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa:
13Iß Honig, mein Sohn, denn er ist gut, und Honigseim ist süß für deinen Gaumen!
14Sa gayo'y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa: kung iyong nasumpungan ito, sa gayo'y magkakaroon ka nga ng kagantihan, at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
14So erkenne auch, daß die Weisheit gut ist für deine Seele; wenn du sie gefunden hast, so hast du eine Zukunft, und deine Hoffnung wird nicht vernichtet werden.
15Huwag kang bumakay, Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid; huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan:
15Du Gottloser, laure nicht auf die Wohnung des Gerechten und störe seine Ruhe nicht!
16Sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: nguni't ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.
16Denn der Gerechte fällt siebenmal und steht wieder auf; aber die Gottlosen stürzen nieder im Unglück.
17Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal, at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal:
17Freue dich nicht über den Fall deines Feindes, und wenn er strauchelt, so frohlocke nicht!
18Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
18daß nicht der HERR es sehe und es ihm mißfalle und er seinen Zorn abwende von ihm.
19Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
19Erzürne dich nicht über die Bösen, sei nicht neidisch auf die Übeltäter!
20Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
20Denn der Böse hat keine Zukunft, und die Leuchte der Gottlosen wird erlöschen.
21Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
21Fürchte den HERRN, mein Sohn, und den König, und laß dich nicht mit Neuerungssüchtigen ein!
22Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
22Denn ihr Unglück wird plötzlich kommen und ihrer beider Verderben; wer kennt es?
23Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
23Auch diese Sprüche kommen von den Weisen: die Person ansehen im Gericht, ist nicht gut.
24Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
24Wer zum Gottlosen spricht: «Du bist gerecht!» dem fluchen die Völker, und die Leute verwünschen ihn;
25Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
25aber an denen, die recht richten, hat man Wohlgefallen, und über sie kommt der Segen des Guten.
26Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
26Eine rechte Antwort ist wie ein Kuß auf die Lippen.
27Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.
27Verrichte zuerst draußen dein Geschäft und besorge deine Feldarbeit, darnach baue dein Haus.
28Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
28Tritt nicht ohne Ursache als Zeuge auf wider deinen Nächsten! Was willst du irreführen mit deinen Lippen?
29Huwag mong sabihin, gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin: aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.
29Sage nicht: «Wie er mir getan, so will ich ihm tun; ich will dem Mann vergelten nach seinem Werk!»
30Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
30Ich ging vorüber an dem Acker des Faulen und an dem Weinberge des Unverständigen
31At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.
31und siehe, er ging ganz in Disteln auf, und Nesseln überwucherten ihn, und seine Mauer war eingestürzt.
32Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
32Das sah ich und nahm es zu Herzen; ich betrachtete es und zog eine Lehre daraus:
33Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
33«Ein wenig schlafen, ein wenig schlummern, die Hände ein wenig ineinanderlegen, um zu ruhen»;
34Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.
34so kommt deine Armut wie ein Landstreicher dahergeschritten und dein Mangel wie ein gewappneter Mann!