1Nang magkagayo'y sumagot si Sophar na Naamathita, at nagsabi,
1ויען צפר הנעמתי ויאמר׃
2Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
2הרב דברים לא יענה ואם איש שפתים יצדק׃
3Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog. At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
3בדיך מתים יחרישו ותלעג ואין מכלם׃
4Sapagka't iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay, at ako'y malinis sa iyong mga mata.
4ותאמר זך לקחי ובר הייתי בעיניך׃
5Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
5ואולם מי יתן אלוה דבר ויפתח שפתיו עמך׃
6At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
6ויגד לך תעלמות חכמה כי כפלים לתושיה ודע כי ישה לך אלוה מעונך׃
7Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik? Masusumpungan mo ba sa kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
7החקר אלוה תמצא אם עד תכלית שדי תמצא׃
8Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa? Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman?
8גבהי שמים מה תפעל עמקה משאול מה תדע׃
9Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa. At maluwang kay sa dagat.
9ארכה מארץ מדה ורחבה מני ים׃
10Kung siya'y dumaan at magsara, at tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
10אם יחלף ויסגיר ויקהיל ומי ישיבנו׃
11Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang tao: Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
11כי הוא ידע מתי שוא וירא און ולא יתבונן׃
12Nguni't ang walang kabuluhang tao ay walang unawa, Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.
12ואיש נבוב ילבב ועיר פרא אדם יולד׃
13Kung iyong ihahanda ang iyong puso, at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
13אם אתה הכינות לבך ופרשת אליו כפך׃
14Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
14אם און בידך הרחיקהו ואל תשכן באהליך עולה׃
15Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
15כי אז תשא פניך ממום והיית מצק ולא תירא׃
16Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
16כי אתה עמל תשכח כמים עברו תזכר׃
17At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
17ומצהרים יקום חלד תעפה כבקר תהיה׃
18At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
18ובטחת כי יש תקוה וחפרת לבטח תשכב׃
19Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo.
19ורבצת ואין מחריד וחלו פניך רבים׃
20Nguni't ang mga mata ng masama ay mangangalumata, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.
20ועיני רשעים תכלינה ומנוס אבד מנהם ותקותם מפח נפש׃