1Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
1נקטה נפשי בחיי אעזבה עלי שיחי אדברה במר נפשי׃
2Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
2אמר אל אלוה אל תרשיעני הודיעני על מה תריבני׃
3Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama?
3הטוב לך כי תעשק כי תמאס יגיע כפיך ועל עצת רשעים הופעת׃
4Ikaw ba'y may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
4העיני בשר לך אם כראות אנוש תראה׃
5Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
5הכימי אנוש ימיך אם שנותיך כימי גבר׃
6Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan,
6כי תבקש לעוני ולחטאתי תדרוש׃
7Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay?
7על דעתך כי לא ארשע ואין מידך מציל׃
8Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
8ידיך עצבוני ויעשוני יחד סביב ותבלעני׃
9Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
9זכר נא כי כחמר עשיתני ואל עפר תשיבני׃
10Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso?
10הלא כחלב תתיכני וכגבנה תקפיאני׃
11Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
11עור ובשר תלבישני ובעצמות וגידים תסככני׃
12Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
12חיים וחסד עשית עמדי ופקדתך שמרה רוחי׃
13Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso; talastas ko na ito'y sa iyo:
13ואלה צפנת בלבבך ידעתי כי זאת עמך׃
14Kung ako'y magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
14אם חטאתי ושמרתני ומעוני לא תנקני׃
15Kung ako'y maging masama, sa aba ko; at kung ako'y maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian.
15אם רשעתי אללי לי וצדקתי לא אשא ראשי שבע קלון וראה עניי׃
16At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
16ויגאה כשחל תצודני ותשב תתפלא בי׃
17Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin, at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
17תחדש עדיך נגדי ותרב כעשך עמדי חליפות וצבא עמי׃
18Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata? Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
18ולמה מרחם הצאתני אגוע ועין לא תראני׃
19Ako sana'y naging parang hindi nabuhay; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
19כאשר לא הייתי אהיה מבטן לקבר אובל׃
20Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga, at ako'y iyong bayaan, upang ako'y maginhawahan ng kaunti,
20הלא מעט ימי יחדל ישית ממני ואבליגה מעט׃
21Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan;
21בטרם אלך ולא אשוב אל ארץ חשך וצלמות׃
22Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
22ארץ עפתה כמו אפל צלמות ולא סדרים ותפע כמו אפל׃