1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
1ויען איוב ויאמר׃
2Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
2שמעתי כאלה רבות מנחמי עמל כלכם׃
3Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
3הקץ לדברי רוח או מה ימריצך כי תענה׃
4Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
4גם אנכי ככם אדברה לו יש נפשכם תחת נפשי אחבירה עליכם במלים ואניעה עליכם במו ראשי׃
5Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
5אאמצכם במו פי וניד שפתי יחשך׃
6Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
6אם אדברה לא יחשך כאבי ואחדלה מה מני יהלך׃
7Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong.
7אך עתה הלאני השמות כל עדתי׃
8At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha.
8ותקמטני לעד היה ויקם בי כחשי בפני יענה׃
9Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
9אפו טרף וישטמני חרק עלי בשניו צרי ילטוש עיניו לי׃
10Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin.
10פערו עלי בפיהם בחרפה הכו לחיי יחד עלי יתמלאון׃
11Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
11יסגירני אל אל עויל ועל ידי רשעים ירטני׃
12Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya.
12שלו הייתי ויפרפרני ואחז בערפי ויפצפצני ויקימני לו למטרה׃
13Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
13יסבו עלי רביו יפלח כליותי ולא יחמול ישפך לארץ מררתי׃
14Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
14יפרצני פרץ על פני פרץ ירץ עלי כגבור׃
15Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
15שק תפרתי עלי גלדי ועללתי בעפר קרני׃
16Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
16פני חמרמרה מני בכי ועל עפעפי צלמות׃
17Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis,
17על לא חמס בכפי ותפלתי זכה׃
18Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing.
18ארץ אל תכסי דמי ואל יהי מקום לזעקתי׃
19Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
19גם עתה הנה בשמים עדי ושהדי במרומים׃
20Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
20מליצי רעי אל אלוה דלפה עיני׃
21Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
21ויוכח לגבר עם אלוה ובן אדם לרעהו׃
22Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.
22כי שנות מספר יאתיו וארח לא אשוב אהלך׃