Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Job

20

1Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi,
1ויען צפר הנעמתי ויאמר׃
2Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
2לכן שעפי ישיבוני ובעבור חושי בי׃
3Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
3מוסר כלמתי אשמע ורוח מבינתי יענני׃
4Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
4הזאת ידעת מני עד מני שים אדם עלי ארץ׃
5Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
5כי רננת רשעים מקרוב ושמחת חנף עדי רגע׃
6Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
6אם יעלה לשמים שיאו וראשו לעב יגיע׃
7Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
7כגללו לנצח יאבד ראיו יאמרו איו׃
8Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
8כחלום יעוף ולא ימצאוהו וידד כחזיון לילה׃
9Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
9עין שזפתו ולא תוסיף ולא עוד תשורנו מקומו׃
10Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
10בניו ירצו דלים וידיו תשבנה אונו׃
11Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
11עצמותיו מלאו עלומו ועמו על עפר תשכב׃
12Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
12אם תמתיק בפיו רעה יכחידנה תחת לשונו׃
13Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
13יחמל עליה ולא יעזבנה וימנענה בתוך חכו׃
14Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
14לחמו במעיו נהפך מרורת פתנים בקרבו׃
15Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
15חיל בלע ויקאנו מבטנו יורשנו אל׃
16Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.
16ראש פתנים יינק תהרגהו לשון אפעה׃
17Hindi niya matitingnan ang mga ilog, ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
17אל ירא בפלגות נהרי נחלי דבש וחמאה׃
18Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
18משיב יגע ולא יבלע כחיל תמורתו ולא יעלס׃
19Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
19כי רצץ עזב דלים בית גזל ולא יבנהו׃
20Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran.
20כי לא ידע שלו בבטנו בחמודו לא ימלט׃
21Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
21אין שריד לאכלו על כן לא יחיל טובו׃
22Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
22במלאות שפקו יצר לו כל יד עמל תבואנו׃
23Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
23יהי למלא בטנו ישלח בו חרון אפו וימטר עלימו בלחומו׃
24Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
24יברח מנשק ברזל תחלפהו קשת נחושה׃
25Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; mga kakilabutan ang sumasa kaniya.
25שלף ויצא מגוה וברק ממררתו יהלך עליו אמים׃
26Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
26כל חשך טמון לצפוניו תאכלהו אש לא נפח ירע שריד באהלו׃
27Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
27יגלו שמים עונו וארץ מתקוממה לו׃
28Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
28יגל יבול ביתו נגרות ביום אפו׃
29Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, at ang manang takda sa kaniya ng Dios.
29זה חלק אדם רשע מאלהים ונחלת אמרו מאל׃