1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
1ויען איוב ויאמר׃
2Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita; at ito'y maging inyong mga kaaliwan.
2שמעו שמוע מלתי ותהי זאת תנחומתיכם׃
3Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo.
3שאוני ואנכי אדבר ואחר דברי תלעיג׃
4Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing? At bakit hindi ako maiinip?
4האנכי לאדם שיחי ואם מדוע לא תקצר רוחי׃
5Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
5פנו אלי והשמו ושימו יד על פה׃
6Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako, at kikilabutan ang humahawak sa aking laman.
6ואם זכרתי ונבהלתי ואחז בשרי פלצות׃
7Bakit nabubuhay ang masama, nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan?
7מדוע רשעים יחיו עתקו גם גברו חיל׃
8Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin, at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata.
8זרעם נכון לפניהם עמם וצאצאיהם לעיניהם׃
9Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot, kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila.
9בתיהם שלום מפחד ולא שבט אלוה עליהם׃
10Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog; ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya.
10שורו עבר ולא יגעל תפלט פרתו ולא תשכל׃
11Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan, at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan,
11ישלחו כצאן עויליהם וילדיהם ירקדון׃
12Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa, at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta.
12ישאו כתף וכנור וישמחו לקול עוגב׃
13Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol.
13יבלו בטוב ימיהם וברגע שאול יחתו׃
14At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin; sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad.
14ויאמרו לאל סור ממנו ודעת דרכיך לא חפצנו׃
15Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?
15מה שדי כי נעבדנו ומה נועיל כי נפגע בו׃
16Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ang payo ng masama ay malayo sa akin.
16הן לא בידם טובם עצת רשעים רחקה מני׃
17Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit?
17כמה נר רשעים ידעך ויבא עלימו אידם חבלים יחלק באפו׃
18Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
18יהיו כתבן לפני רוח וכמץ גנבתו סופה׃
19Inyong sinasabi, Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak. Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya.
19אלוה יצפן לבניו אונו ישלם אליו וידע׃
20Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba, at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat.
20יראו עינו כידו ומחמת שדי ישתה׃
21Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya, pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna?
21כי מה חפצו בביתו אחריו ומספר חדשיו חצצו׃
22May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas.
22הלאל ילמד דעת והוא רמים ישפוט׃
23Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan, palibhasa't walang bahala at tahimik:
23זה ימות בעצם תמו כלו שלאנן ושליו׃
24Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.
24עטיניו מלאו חלב ומח עצמותיו ישקה׃
25At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.
25וזה ימות בנפש מרה ולא אכל בטובה׃
26Sila'y nahihigang magkakasama sa alabok, at tinatakpan sila ng uod.
26יחד על עפר ישכבו ורמה תכסה עליהם׃
27Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip, at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin.
27הן ידעתי מחשבותיכם ומזמות עלי תחמסו׃
28Sapagka't inyong sinasabi, Saan naroon ang bahay ng prinsipe? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama?
28כי תאמרו איה בית נדיב ואיה אהל משכנות רשעים׃
29Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan?
29הלא שאלתם עוברי דרך ואתתם לא תנכרו׃
30Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?
30כי ליום איד יחשך רע ליום עברות יובלו׃
31Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa?
31מי יגיד על פניו דרכו והוא עשה מי ישלם לו׃
32Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan, at magbabantay ang mga tao sa libingan.
32והוא לקברות יובל ועל גדיש ישקוד׃
33Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya, at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya, gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang.
33מתקו לו רגבי נחל ואחריו כל אדם ימשוך ולפניו אין מספר׃
34Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan, dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan?
34ואיך תנחמוני הבל ותשובתיכם נשאר מעל׃