Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Job

22

1Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
1ויען אליפז התמני ויאמר׃
2Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.
2הלאל יסכן גבר כי יסכן עלימו משכיל׃
3May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?
3החפץ לשדי כי תצדק ואם בצע כי תתם דרכיך׃
4Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?
4המיראתך יכיחך יבוא עמך במשפט׃
5Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
5הלא רעתך רבה ואין קץ לעונתיך׃
6Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
6כי תחבל אחיך חנם ובגדי ערומים תפשיט׃
7Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
7לא מים עיף תשקה ומרעב תמנע לחם׃
8Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
8ואיש זרוע לו הארץ ונשוא פנים ישב בה׃
9Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
9אלמנות שלחת ריקם וזרעות יתמים ידכא׃
10Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
10על כן סביבותיך פחים ויבהלך פחד פתאם׃
11O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
11או חשך לא תראה ושפעת מים תכסך׃
12Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
12הלא אלוה גבה שמים וראה ראש כוכבים כי רמו׃
13At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
13ואמרת מה ידע אל הבעד ערפל ישפוט׃
14Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit.
14עבים סתר לו ולא יראה וחוג שמים יתהלך׃
15Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?
15הארח עולם תשמר אשר דרכו מתי און׃
16Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:
16אשר קמטו ולא עת נהר יוצק יסודם׃
17Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin; at, anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?
17האמרים לאל סור ממנו ומה יפעל שדי למו׃
18Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay; nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin.
18והוא מלא בתיהם טוב ועצת רשעים רחקה מני׃
19Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa; at tinatawanang mainam ng walang sala:
19יראו צדיקים וישמחו ונקי ילעג למו׃
20Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay, at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.
20אם לא נכחד קימנו ויתרם אכלה אש׃
21Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa't ang mabuti ay darating sa iyo.
21הסכן נא עמו ושלם בהם תבואתך טובה׃
22Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
22קח נא מפיו תורה ושים אמריו בלבבך׃
23Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.
23אם תשוב עד שדי תבנה תרחיק עולה מאהלך׃
24At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok, at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:
24ושית על עפר בצר ובצור נחלים אופיר׃
25At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo.
25והיה שדי בצריך וכסף תועפות לך׃
26Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.
26כי אז על שדי תתענג ותשא אל אלוה פניך׃
27Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.
27תעתיר אליו וישמעך ונדריך תשלם׃
28Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
28ותגזר אומר ויקם לך ועל דרכיך נגה אור׃
29Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao.
29כי השפילו ותאמר גוה ושח עינים יושע׃
30Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal: Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.
30ימלט אי נקי ונמלט בבר כפיך׃