1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
1ויען איוב ויאמר׃
2Magpahanggang ngayo'y mapanghimagsik ang aking daing: ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik.
2גם היום מרי שחי ידי כבדה על אנחתי׃
3Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya, upang ako'y dumating hanggang sa kaniyang likmuan!
3מי יתן ידעתי ואמצאהו אבוא עד תכונתו׃
4Aking aayusin ang aking usap sa harap niya, at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran.
4אערכה לפניו משפט ופי אמלא תוכחות׃
5Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin, at matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin.
5אדעה מלים יענני ואבינה מה יאמר לי׃
6Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi; kundi pakikinggan niya ako.
6הברב כח יריב עמדי לא אך הוא ישם בי׃
7Doo'y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid; sa gayo'y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom.
7שם ישר נוכח עמו ואפלטה לנצח משפטי׃
8Narito, ako'y nagpapatuloy, nguni't wala siya; at sa dakong likuran, nguni't hindi ko siya mamataan:
8הן קדם אהלך ואיננו ואחור ולא אבין לו׃
9Sa kaliwa pagka siya'y gumagawa, nguni't hindi ko mamasdan siya: siya'y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya.
9שמאול בעשתו ולא אחז יעטף ימין ולא אראה׃
10Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto.
10כי ידע דרך עמדי בחנני כזהב אצא׃
11Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko.
11באשרו אחזה רגלי דרכו שמרתי ולא אט׃
12Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.
12מצות שפתיו ולא אמיש מחקי צפנתי אמרי פיו׃
13Nguni't siya'y sa isang akala, at sinong makapagpapabalik sa kaniya? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa.
13והוא באחד ומי ישיבנו ונפשו אותה ויעש׃
14Sapagka't kaniyang isinasagawa ang itinakda sa akin: at maraming gayong mga bagay ang nasa kaniya.
14כי ישלים חקי וכהנה רבות עמו׃
15Kaya't ako'y nababagabag sa kaniyang harapan; pagka aking binubulay, ay natatakot ako sa kaniya.
15על כן מפניו אבהל אתבונן ואפחד ממנו׃
16Dahil sa pinapanglupaypay ng Dios ang aking puso, at binagabag ako ng Makapangyarihan sa lahat:
16ואל הרך לבי ושדי הבהילני׃
17Sapagka't hindi ako inihiwalay sa harap ng kadiliman, ni tinakpan man niya ang salimuot na kadiliman sa aking mukha.
17כי לא נצמתי מפני חשך ומפני כסה אפל׃