Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Job

24

1Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?
1מדוע משדי לא נצפנו עתים וידעו לא חזו ימיו׃
2May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.
2גבלות ישיגו עדר גזלו וירעו׃
3Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.
3חמור יתומים ינהגו יחבלו שור אלמנה׃
4Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
4יטו אביונים מדרך יחד חבאו עניי ארץ׃
5Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
5הן פראים במדבר יצאו בפעלם משחרי לטרף ערבה לו לחם לנערים׃
6Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
6בשדה בלילו יקצירו וכרם רשע ילקשו׃
7Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw.
7ערום ילינו מבלי לבוש ואין כסות בקרה׃
8Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
8מזרם הרים ירטבו ומבלי מחסה חבקו צור׃
9May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha:
9יגזלו משד יתום ועל עני יחבלו׃
10Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
10ערום הלכו בלי לבוש ורעבים נשאו עמר׃
11Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.
11בין שורתם יצהירו יקבים דרכו ויצמאו׃
12Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.
12מעיר מתים ינאקו ונפש חללים תשוע ואלוה לא ישים תפלה׃
13Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon.
13המה היו במרדי אור לא הכירו דרכיו ולא ישבו בנתיבתיו׃
14Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.
14לאור יקום רוצח יקטל עני ואביון ובלילה יהי כגנב׃
15Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha.
15ועין נאף שמרה נשף לאמר לא תשורני עין וסתר פנים ישים׃
16Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag,
16חתר בחשך בתים יומם חתמו למו לא ידעו אור׃
17Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
17כי יחדו בקר למו צלמות כי יכיר בלהות צלמות׃
18Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.
18קל הוא על פני מים תקלל חלקתם בארץ לא יפנה דרך כרמים׃
19Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.
19ציה גם חם יגזלו מימי שלג שאול חטאו׃
20Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
20ישכחהו רחם מתקו רמה עוד לא יזכר ותשבר כעץ עולה׃
21Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
21רעה עקרה לא תלד ואלמנה לא ייטיב׃
22Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.
22ומשך אבירים בכחו יקום ולא יאמין בחיין׃
23Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.
23יתן לו לבטח וישען ועיניהו על דרכיהם׃
24Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay.
24רומו מעט ואיננו והמכו ככל יקפצון וכראש שבלת ימלו׃
25At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?
25ואם לא אפו מי יכזיבני וישם לאל מלתי׃