1At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
1ויסף איוב שאת משלו ויאמר׃
2Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
2חי אל הסיר משפטי ושדי המר נפשי׃
3(Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
3כי כל עוד נשמתי בי ורוח אלוה באפי׃
4Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan, ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
4אם תדברנה שפתי עולה ולשוני אם יהגה רמיה׃
5Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap: Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
5חלילה לי אם אצדיק אתכם עד אגוע לא אסיר תמתי ממני׃
6Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
6בצדקתי החזקתי ולא ארפה לא יחרף לבבי מימי׃
7Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama, at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
7יהי כרשע איבי ומתקוממי כעול׃
8Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
8כי מה תקות חנף כי יבצע כי ישל אלוה נפשו׃
9Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak, pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
9הצעקתו ישמע אל כי תבוא עליו צרה׃
10Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat, at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
10אם על שדי יתענג יקרא אלוה בכל עת׃
11Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
11אורה אתכם ביד אל אשר עם שדי לא אכחד׃
12Narito, kayong lahat ay nangakakita; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
12הן אתם כלכם חזיתם ולמה זה הבל תהבלו׃
13Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
13זה חלק אדם רשע עם אל ונחלת עריצים משדי יקחו׃
14Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
14אם ירבו בניו למו חרב וצאצאיו לא ישבעו לחם׃
15Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
15שרידו במות יקברו ואלמנתיו לא תבכינה׃
16Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik;
16אם יצבר כעפר כסף וכחמר יכין מלבוש׃
17Maihahanda niya, nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak.
17יכין וצדיק ילבש וכסף נקי יחלק׃
18Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
18בנה כעש ביתו וכסכה עשה נצר׃
19Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
19עשיר ישכב ולא יאסף עיניו פקח ואיננו׃
20Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
20תשיגהו כמים בלהות לילה גנבתו סופה׃
21Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
21ישאהו קדים וילך וישערהו ממקמו׃
22Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
22וישלך עליו ולא יחמל מידו ברוח יברח׃
23Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
23ישפק עלימו כפימו וישרק עליו ממקמו׃