1At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,
1ויסף איוב שאת משלו ויאמר׃
2Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
2מי יתנני כירחי קדם כימי אלוה ישמרני׃
3Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
3בהלו נרו עלי ראשי לאורו אלך חשך׃
4Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
4כאשר הייתי בימי חרפי בסוד אלוה עלי אהלי׃
5Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko;
5בעוד שדי עמדי סביבותי נערי׃
6Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
6ברחץ הליכי בחמה וצור יצוק עמדי פלגי שמן׃
7Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
7בצאתי שער עלי קרת ברחוב אכין מושבי׃
8Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
8ראוני נערים ונחבאו וישישים קמו עמדו׃
9Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
9שרים עצרו במלים וכף ישימו לפיהם׃
10Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
10קול נגידים נחבאו ולשונם לחכם דבקה׃
11Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
11כי אזן שמעה ותאשרני ועין ראתה ותעידני׃
12Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
12כי אמלט עני משוע ויתום ולא עזר לו׃
13Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
13ברכת אבד עלי תבא ולב אלמנה ארנן׃
14Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
14צדק לבשתי וילבשני כמעיל וצניף משפטי׃
15Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay.
15עינים הייתי לעור ורגלים לפסח אני׃
16Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
16אב אנכי לאביונים ורב לא ידעתי אחקרהו׃
17At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
17ואשברה מתלעות עול ומשניו אשליך טרף׃
18Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin:
18ואמר עם קני אגוע וכחול ארבה ימים׃
19Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga:
19שרשי פתוח אלי מים וטל ילין בקצירי׃
20Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
20כבודי חדש עמדי וקשתי בידי תחליף׃
21Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo.
21לי שמעו ויחלו וידמו למו עצתי׃
22Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila.
22אחרי דברי לא ישנו ועלימו תטף מלתי׃
23At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan.
23ויחלו כמטר לי ופיהם פערו למלקוש׃
24Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
24אשחק אלהם לא יאמינו ואור פני לא יפילון׃
25Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis.
25אבחר דרכם ואשב ראש ואשכון כמלך בגדוד כאשר אבלים ינחם׃