Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Job

33

1Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
1ואולם שמע נא איוב מלי וכל דברי האזינה׃
2Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
2הנה נא פתחתי פי דברה לשוני בחכי׃
3Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
3ישר לבי אמרי ודעת שפתי ברור מללו׃
4Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
4רוח אל עשתני ונשמת שדי תחיני׃
5Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
5אם תוכל השיבני ערכה לפני התיצבה׃
6Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
6הן אני כפיך לאל מחמר קרצתי גם אני׃
7Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
7הנה אמתי לא תבעתך ואכפי עליך לא יכבד׃
8Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
8אך אמרת באזני וקול מלין אשמע׃
9Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
9זך אני בלי פשע חף אנכי ולא עון לי׃
10Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway:
10הן תנואות עלי ימצא יחשבני לאויב לו׃
11Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas.
11ישם בסד רגלי ישמר כל ארחתי׃
12Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
12הן זאת לא צדקת אענך כי ירבה אלוה מאנוש׃
13Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
13מדוע אליו ריבות כי כל דבריו לא יענה׃
14Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
14כי באחת ידבר אל ובשתים לא ישורנה׃
15Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan;
15בחלום חזיון לילה בנפל תרדמה על אנשים בתנומות עלי משכב׃
16Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo,
16אז יגלה אזן אנשים ובמסרם יחתם׃
17Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao;
17להסיר אדם מעשה וגוה מגבר יכסה׃
18Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
18יחשך נפשו מני שחת וחיתו מעבר בשלח׃
19Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
19והוכח במכאוב על משכבו וריב עצמיו אתן׃
20Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
20וזהמתו חיתו לחם ונפשו מאכל תאוה׃
21Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
21יכל בשרו מראי ושפי עצמותיו לא ראו׃
22Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
22ותקרב לשחת נפשו וחיתו לממתים׃
23Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
23אם יש עליו מלאך מליץ אחד מני אלף להגיד לאדם ישרו׃
24Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan.
24ויחננו ויאמר פדעהו מרדת שחת מצאתי כפר׃
25Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
25רטפש בשרו מנער ישוב לימי עלומיו׃
26Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
26יעתר אל אלוה וירצהו וירא פניו בתרועה וישב לאנוש צדקתו׃
27Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan:
27ישר על אנשים ויאמר חטאתי וישר העויתי ולא שוה לי׃
28Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
28פדה נפשי מעבר בשחת וחיתי באור תראה׃
29Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao,
29הן כל אלה יפעל אל פעמים שלוש עם גבר׃
30Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
30להשיב נפשו מני שחת לאור באור החיים׃
31Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
31הקשב איוב שמע לי החרש ואנכי אדבר׃
32Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
32אם יש מלין השיבני דבר כי חפצתי צדקך׃
33Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.
33אם אין אתה שמע לי החרש ואאלפך חכמה׃