Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Job

36

1Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi,
1ויסף אליהוא ויאמר׃
2Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo; sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios.
2כתר לי זעיר ואחוך כי עוד לאלוה מלים׃
3Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo, at aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin.
3אשא דעי למרחוק ולפעלי אתן צדק׃
4Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan: Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo.
4כי אמנם לא שקר מלי תמים דעות עמך׃
5Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man; siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa.
5הן אל כביר ולא ימאס כביר כח לב׃
6Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama: nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati.
6לא יחיה רשע ומשפט עניים יתן׃
7Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid: kundi kasama ng mga hari sa luklukan, kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas.
7לא יגרע מצדיק עיניו ואת מלכים לכסא וישיבם לנצח ויגבהו׃
8At kung sila'y mapapangaw, at mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
8ואם אסורים בזקים ילכדון בחבלי עני׃
9Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa, at ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo.
9ויגד להם פעלם ופשעיהם כי יתגברו׃
10Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo, at iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan.
10ויגל אזנם למוסר ויאמר כי ישבון מאון׃
11Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya, kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at ang kanilang mga taon sa kasayahan.
11אם ישמעו ויעבדו יכלו ימיהם בטוב ושניהם בנעימים׃
12Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, at sila'y mangamamatay na walang kaalaman.
12ואם לא ישמעו בשלח יעברו ויגועו בבלי דעת׃
13Nguni't ang di banal sa puso ay nagbubunton ng galit: hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya sila.
13וחנפי לב ישימו אף לא ישועו כי אסרם׃
14Sila'y nangamamatay sa kabataan, at ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi.
14תמת בנער נפשם וחיתם בקדשים׃
15Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati, at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.
15יחלץ עני בעניו ויגל בלחץ אזנם׃
16Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan, hanggang sa luwal na dako na walang kagipitan; at ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan.
16ואף הסיתך מפי צר רחב לא מוצק תחתיה ונחת שלחנך מלא דשן׃
17Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama: kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo.
17ודין רשע מלאת דין ומשפט יתמכו׃
18Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan; ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan.
18כי חמה פן יסיתך בספק ורב כפר אל יטך׃
19Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan, O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan?
19היערך שועך לא בצר וכל מאמצי כח׃
20Huwag mong nasain ang gabi, pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako.
20אל תשאף הלילה לעלות עמים תחתם׃
21Ikaw ay magingat, huwag mong lingunin ang kasamaan; sapagka't ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian.
21השמר אל תפן אל און כי על זה בחרת מעני׃
22Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya?
22הן אל ישגיב בכחו מי כמהו מורה׃
23Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan?
23מי פקד עליו דרכו ומי אמר פעלת עולה׃
24Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa, na inawit ng mga tao.
24זכר כי תשגיא פעלו אשר שררו אנשים׃
25Lahat ng mga tao'y nakakita noon; makikita ito ng tao sa malayo.
25כל אדם חזו בו אנוש יביט מרחוק׃
26Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.
26הן אל שגיא ולא נדע מספר שניו ולא חקר׃
27Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:
27כי יגרע נטפי מים יזקו מטר לאדו׃
28Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao.
28אשר יזלו שחקים ירעפו עלי אדם רב׃
29Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap, ng mga kulog ng kaniyang kulandong?
29אף אם יבין מפרשי עב תשאות סכתו׃
30Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya; at inaapawan ang kalaliman ng dagat.
30הן פרש עליו אורו ושרשי הים כסה׃
31Sapagka't sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan; siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana.
31כי בם ידין עמים יתן אכל למכביר׃
32Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat; at ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda.
32על כפים כסה אור ויצו עליה במפגיע׃
33Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya, ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating.
33יגיד עליו רעו מקנה אף על עולה׃