1Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,
1ויען אליהו ויאמר׃
2Iniisip mo bang ito'y matuwid? O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios,
2הזאת חשבת למשפט אמרת צדקי מאל׃
3Na iyong sinasabi, Anong pakinabang ang tatamuhin mo? At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala?
3כי תאמר מה יסכן לך מה אעיל מחטאתי׃
4Sasagutin kita, at ang iyong mga kasamahang kasama mo.
4אני אשיבך מלין ואת רעיך עמך׃
5Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan; at masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo.
5הבט שמים וראה ושור שחקים גבהו ממך׃
6Kung ikaw ay nagkasala, anong iyong ginagawa laban sa kaniya? At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya?
6אם חטאת מה תפעל בו ורבו פשעיך מה תעשה לו׃
7Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya? O anong tinatanggap niya sa iyong kamay?
7אם צדקת מה תתן לו או מה מידך יקח׃
8Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo; at ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.
8לאיש כמוך רשעך ולבן אדם צדקתך׃
9Dahil sa karamihan ng mga kapighatian, sila'y humihiyaw: sila'y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan.
9מרב עשוקים יזעיקו ישועו מזרוע רבים׃
10Nguni't walang nagsasabing, Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin, na siyang nagbibigay ng awit kung gabi;
10ולא אמר איה אלוה עשי נתן זמרות בלילה׃
11Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa. At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid?
11מלפנו מבהמות ארץ ומעוף השמים יחכמנו׃
12Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot, dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao.
12שם יצעקו ולא יענה מפני גאון רעים׃
13Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan, ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.
13אך שוא לא ישמע אל ושדי לא ישורנה׃
14Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya. Ang usap ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya!
14אף כי תאמר לא תשורנו דין לפניו ותחולל לו׃
15Nguni't ngayon sapagka't hindi niya dinalaw sa kaniyang galit, ni ginunita mang maigi;
15ועתה כי אין פקד אפו ולא ידע בפש מאד׃
16Kaya't ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan; siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman.
16ואיוב הבל יפצה פיהו בבלי דעת מלין יכבר׃