1At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el;
1ויצא הגורל לבני יוסף מירדן יריחו למי יריחו מזרחה המדבר עלה מיריחו בהר בית אל׃
2At palabas mula sa Beth-el na patungo sa Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth;
2ויצא מבית אל לוזה ועבר אל גבול הארכי עטרות׃
3At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat.
3וירד ימה אל גבול היפלטי עד גבול בית חורן תחתון ועד גזר והיו תצאתו ימה׃
4At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim.
4וינחלו בני יוסף מנשה ואפרים׃
5At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:
5ויהי גבול בני אפרים למשפחתם ויהי גבול נחלתם מזרחה עטרות אדר עד בית חורן עליון׃
6At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa:
6ויצא הגבול הימה המכמתת מצפון ונסב הגבול מזרחה תאנת שלה ועבר אותו ממזרח ינוחה׃
7At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara, at abot hanggang sa Jerico, at palabas sa Jordan.
7וירד מינוחה עטרות ונערתה ופגע ביריחו ויצא הירדן׃
8Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana: at ang labasan niyaon ay sa dagat. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan,
8מתפוח ילך הגבול ימה נחל קנה והיו תצאתיו הימה זאת נחלת מטה בני אפרים למשפחתם׃
9Pati ng mga bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon.
9והערים המבדלות לבני אפרים בתוך נחלת בני מנשה כל הערים וחצריהן׃
10At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at naging mga alilang tagapagatag.
10ולא הורישו את הכנעני היושב בגזר וישב הכנעני בקרב אפרים עד היום הזה ויהי למס עבד׃