1At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.
1ויצא הגורל השני לשמעון למטה בני שמעון למשפחותם ויהי נחלתם בתוך נחלת בני יהודה׃
2At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada;
2ויהי להם בנחלתם באר שבע ושבע ומולדה׃
3At Hasar-sual, at Bala, at Esem;
3וחצר שועל ובלה ועצם׃
4At Heltolad, at Betul, at Horma;
4ואלתולד ובתול וחרמה׃
5At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasarsusa,
5וצקלג ובית המרכבות וחצר סוסה׃
6At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon:
6ובית לבאות ושרוחן ערים שלש עשרה וחצריהן׃
7Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:
7עין רמון ועתר ועשן ערים ארבע וחצריהן׃
8At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.
8וכל החצרים אשר סביבות הערים האלה עד בעלת באר ראמת נגב זאת נחלת מטה בני שמעון למשפחתם׃
9Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.
9מחבל בני יהודה נחלת בני שמעון כי היה חלק בני יהודה רב מהם וינחלו בני שמעון בתוך נחלתם׃
10At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:
10ויעל הגורל השלישי לבני זבולן למשפחתם ויהי גבול נחלתם עד שריד׃
11At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,
11ועלה גבולם לימה ומרעלה ופגע בדבשת ופגע אל הנחל אשר על פני יקנעם׃
12At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;
12ושב משריד קדמה מזרח השמש על גבול כסלת תבר ויצא אל הדברת ועלה יפיע׃
13At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:
13ומשם עבר קדמה מזרחה גתה חפר עתה קצין ויצא רמון המתאר הנעה׃
14At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;
14ונסב אתו הגבול מצפון חנתן והיו תצאתיו גי יפתח אל׃
15At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Bethlehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
15וקטת ונהלל ושמרון וידאלה ובית לחם ערים שתים עשרה וחצריהן׃
16Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
16זאת נחלת בני זבולן למשפחותם הערים האלה וחצריהן׃
17Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.
17ליששכר יצא הגורל הרביעי לבני יששכר למשפחותם׃
18At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,
18ויהי גבולם יזרעאלה והכסולת ושונם׃
19At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,
19וחפרים ושיאן ואנחרת׃
20At Rabbit, at Chision, at Ebes,
20והרבית וקשיון ואבץ׃
21At Rameth, at En-gannim, at En-hadda, at Beth-passes,
21ורמת ועין גנים ועין חדה ובית פצץ׃
22At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
22ופגע הגבול בתבור ושחצומה ובית שמש והיו תצאות גבולם הירדן ערים שש עשרה וחצריהן׃
23Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
23זאת נחלת מטה בני יששכר למשפחתם הערים וחצריהן׃
24At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.
24ויצא הגורל החמישי למטה בני אשר למשפחותם׃
25At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,
25ויהי גבולם חלקת וחלי ובטן ואכשף׃
26At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;
26ואלמלך ועמעד ומשאל ופגע בכרמל הימה ובשיחור לבנת׃
27At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.
27ושב מזרח השמש בית דגן ופגע בזבלון ובגי יפתח אל צפונה בית העמק ונעיאל ויצא אל כבול משמאל׃
28At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, hanggang sa malaking Sidon,
28ועברן ורחב וחמון וקנה עד צידון רבה׃
29At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;
29ושב הגבול הרמה ועד עיר מבצר צר ושב הגבול חסה ויהיו תצאתיו הימה מחבל אכזיבה׃
30Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
30ועמה ואפק ורחב ערים עשרים ושתים וחצריהן׃
31Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
31זאת נחלת מטה בני אשר למשפחתם הערים האלה וחצריהן׃
32Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.
32לבני נפתלי יצא הגורל הששי לבני נפתלי למשפחתם׃
33At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;
33ויהי גבולם מחלף מאלון בצעננים ואדמי הנקב ויבנאל עד לקום ויהי תצאתיו הירדן׃
34At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.
34ושב הגבול ימה אזנות תבור ויצא משם חוקקה ופגע בזבלון מנגב ובאשר פגע מים וביהודה הירדן מזרח השמש׃
35At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,
35וערי מבצר הצדים צר וחמת רקת וכנרת׃
36At Adama, at Rama, at Asor,
36ואדמה והרמה וחצור׃
37At Cedes, at Edrei, at En-hasor,
37וקדש ואדרעי ועין חצור׃
38At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
38ויראון ומגדל אל חרם ובית ענת ובית שמש ערים תשע עשרה וחצריהן׃
39Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
39זאת נחלת מטה בני נפתלי למשפחתם הערים וחצריהן׃
40Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
40למטה בני דן למשפחתם יצא הגורל השביעי׃
41At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,
41ויהי גבול נחלתם צרעה ואשתאול ועיר שמש׃
42At Saalabin, at Ailon, at Jeth-la,
42ושעלבין ואילון ויתלה׃
43At Elon, at Timnath, at Ecron,
43ואילון ותמנתה ועקרון׃
44At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,
44ואלתקה וגבתון ובעלת׃
45At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,
45ויהד ובני ברק וגת רמון׃
46At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.
46ומי הירקון והרקון עם הגבול מול יפו׃
47At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.
47ויצא גבול בני דן מהם ויעלו בני דן וילחמו עם לשם וילכדו אותה ויכו אותה לפי חרב וירשו אותה וישבו בה ויקראו ללשם דן כשם דן אביהם׃
48Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.
48זאת נחלת מטה בני דן למשפחתם הערים האלה וחצריהן׃
49Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:
49ויכלו לנחל את הארץ לגבולתיה ויתנו בני ישראל נחלה ליהושע בן נון בתוכם׃
50Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.
50על פי יהוה נתנו לו את העיר אשר שאל את תמנת סרח בהר אפרים ויבנה את העיר וישב בה׃
51Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.
51אלה הנחלת אשר נחלו אלעזר הכהן ויהושע בן נון וראשי האבות למטות בני ישראל בגורל בשלה לפני יהוה פתח אהל מועד ויכלו מחלק את הארץ׃