1At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi,
1וידבר יהוה אל יהושע לאמר׃
2Magsalita ka sa mga anak ni Israel, na sabihin mo, Italaga ninyo sa inyo ang mga bayang ampunan, na aking sinalita sa inyo sa pamamagitan ni Moises:
2דבר אל בני ישראל לאמר תנו לכם את ערי המקלט אשר דברתי אליכם ביד משה׃
3Upang matakasan ng nakamatay, na nakapatay sa sinoman na hindi sinasadya at hindi kusa: at magiging ampunan ninyo laban sa manghihiganti sa dugo.
3לנוס שמה רוצח מכה נפש בשגגה בבלי דעת והיו לכם למקלט מגאל הדם׃
4At siya'y tatakas sa isa sa mga bayang yaon, at tatayo sa pasukan ng pintuan ng bayan, at magsasaysay sa mga pakinig ng mga matanda sa bayang yaon; at kanilang kukunin siya sa bayan na ipagsasama nila, at bibigyan nila siya ng isang dako, upang siya'y tumahan sa gitna nila.
4ונס אל אחת מהערים האלה ועמד פתח שער העיר ודבר באזני זקני העיר ההיא את דבריו ואספו אתו העירה אליהם ונתנו לו מקום וישב עמם׃
5At kung siya'y habulin ng manghihiganti sa dugo, hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay; sapagka't kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang una.
5וכי ירדף גאל הדם אחריו ולא יסגרו את הרצח בידו כי בבלי דעת הכה את רעהו ולא שנא הוא לו מתמול שלשום׃
6At siya'y tatahan sa bayang yaon, hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan, hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na nalalagay sa mga araw na yaon: kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay, at paroroon sa kaniyang sariling bayan, at sa kaniyang sariling bahay, hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan.
6וישב בעיר ההיא עד עמדו לפני העדה למשפט עד מות הכהן הגדול אשר יהיה בימים ההם אז ישוב הרוצח ובא אל עירו ואל ביתו אל העיר אשר נס משם׃
7At kanilang ibinukod ang Cedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Nepthali, at ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang Chiriath-arba (na siyang Hebron) sa lupaing maburol ng Juda.
7ויקדשו את קדש בגליל בהר נפתלי ואת שכם בהר אפרים ואת קרית ארבע היא חברון בהר יהודה׃
8At sa dako roon ng Jordan sa Jerico na dakong silanganan, ay kaniyang itinalaga ang Beser sa ilang sa kapatagan, mula sa lipi ni Ruben, at ang Ramoth sa Galaad na mula sa lipi ni Gad, at ang Gaulon sa Basan na mula sa lipi ni Manases.
8ומעבר לירדן יריחו מזרחה נתנו את בצר במדבר במישר ממטה ראובן ואת ראמת בגלעד ממטה גד ואת גלון בבשן ממטה מנשה׃
9Ito ang mga itinalagang bayan sa lahat ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang lupa na tumatahan sa gitna nila, na sinomang makamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon, at huwag mapatay ng kamay ng manghihiganti sa dugo, hanggang hindi nahaharap sa kapisanan.
9אלה היו ערי המועדה לכל בני ישראל ולגר הגר בתוכם לנוס שמה כל מכה נפש בשגגה ולא ימות ביד גאל הדם עד עמדו לפני העדה׃