Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Proverbs

2

1Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos;
1בני אם תקח אמרי ומצותי תצפן אתך׃
2Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
2להקשיב לחכמה אזנך תטה לבך לתבונה׃
3Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
3כי אם לבינה תקרא לתבונה תתן קולך׃
4Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
4אם תבקשנה ככסף וכמטמונים תחפשנה׃
5Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
5אז תבין יראת יהוה ודעת אלהים תמצא׃
6Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
6כי יהוה יתן חכמה מפיו דעת ותבונה׃
7Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
7וצפן לישרים תושיה מגן להלכי תם׃
8Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
8לנצר ארחות משפט ודרך חסידו ישמר׃
9Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
9אז תבין צדק ומשפט ומישרים כל מעגל טוב׃
10Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
10כי תבוא חכמה בלבך ודעת לנפשך ינעם׃
11Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
11מזמה תשמר עליך תבונה תנצרכה׃
12Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
12להצילך מדרך רע מאיש מדבר תהפכות׃
13Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
13העזבים ארחות ישר ללכת בדרכי חשך׃
14Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
14השמחים לעשות רע יגילו בתהפכות רע׃
15Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas:
15אשר ארחתיהם עקשים ונלוזים במעגלותם׃
16Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
16להצילך מאשה זרה מנכריה אמריה החליקה׃
17Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
17העזבת אלוף נעוריה ואת ברית אלהיה שכחה׃
18Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay:
18כי שחה אל מות ביתה ואל רפאים מעגלתיה׃
19Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
19כל באיה לא ישובון ולא ישיגו ארחות חיים׃
20Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid.
20למען תלך בדרך טובים וארחות צדיקים תשמר׃
21Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.
21כי ישרים ישכנו ארץ ותמימים יותרו בה׃
22Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
22ורשעים מארץ יכרתו ובוגדים יסחו ממנה׃