Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Proverbs

6

1Anak ko, kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa, kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
1בני אם ערבת לרעך תקעת לזר כפיך׃
2Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
2נוקשת באמרי פיך נלכדת באמרי פיך׃
3Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
3עשה זאת אפוא בני והנצל כי באת בכף רעך לך התרפס ורהב רעיך׃
4Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata. O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
4אל תתן שנה לעיניך ותנומה לעפעפיך׃
5Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso, at parang ibon sa kamay ng mamimitag.
5הנצל כצבי מיד וכצפור מיד יקוש׃
6Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
6לך אל נמלה עצל ראה דרכיה וחכם׃
7Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno,
7אשר אין לה קצין שטר ומשל׃
8Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
8תכין בקיץ לחמה אגרה בקציר מאכלה׃
9Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
9עד מתי עצל תשכב מתי תקום משנתך׃
10Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
10מעט שנות מעט תנומות מעט חבק ידים לשכב׃
11Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
11ובא כמהלך ראשך ומחסרך כאיש מגן׃
12Taong walang kabuluhan, taong masama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
12אדם בליעל איש און הולך עקשות פה׃
13Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
13קרץ בעינו מלל ברגלו מרה באצבעתיו׃
14Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, siya'y laging kumakatha ng kasamaan; siya'y naghahasik ng pagtatalo.
14תהפכות בלבו חרש רע בכל עת מדנים ישלח׃
15Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan.
15על כן פתאם יבוא אידו פתע ישבר ואין מרפא׃
16May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
16שש הנה שנא יהוה ושבע תועבות נפשו׃
17Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
17עינים רמות לשון שקר וידים שפכות דם נקי׃
18Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
18לב חרש מחשבות און רגלים ממהרות לרוץ לרעה׃
19Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
19יפיח כזבים עד שקר ומשלח מדנים בין אחים׃
20Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
20נצר בני מצות אביך ואל תטש תורת אמך׃
21Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg.
21קשרם על לבך תמיד ענדם על גרגרתך׃
22Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
22בהתהלכך תנחה אתך בשכבך תשמר עליך והקיצות היא תשיחך׃
23Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
23כי נר מצוה ותורה אור ודרך חיים תוכחות מוסר׃
24Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.
24לשמרך מאשת רע מחלקת לשון נכריה׃
25Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.
25אל תחמד יפיה בלבבך ואל תקחך בעפעפיה׃
26Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay.
26כי בעד אשה זונה עד ככר לחם ואשת איש נפש יקרה תצוד׃
27Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
27היחתה איש אש בחיקו ובגדיו לא תשרפנה׃
28O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
28אם יהלך איש על הגחלים ורגליו לא תכוינה׃
29Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
29כן הבא אל אשת רעהו לא ינקה כל הנגע בה׃
30Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom:
30לא יבוזו לגנב כי יגנוב למלא נפשו כי ירעב׃
31Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
31ונמצא ישלם שבעתים את כל הון ביתו יתן׃
32Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
32נאף אשה חסר לב משחית נפשו הוא יעשנה׃
33Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
33נגע וקלון ימצא וחרפתו לא תמחה׃
34Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
34כי קנאה חמת גבר ולא יחמול ביום נקם׃
35Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.
35לא ישא פני כל כפר ולא יאבה כי תרבה שחד׃