Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

1

1Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
1אשרי האיש אשר לא הלך בעצת רשעים ובדרך חטאים לא עמד ובמושב לצים לא ישב׃
2Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
2כי אם בתורת יהוה חפצו ובתורתו יהגה יומם ולילה׃
3At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa.
3והיה כעץ שתול על פלגי מים אשר פריו יתן בעתו ועלהו לא יבול וכל אשר יעשה יצליח׃
4Ang masama ay hindi gayon; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin.
4לא כן הרשעים כי אם כמץ אשר תדפנו רוח׃
5Kaya't ang masama ay hindi tatayo sa paghatol, ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
5על כן לא יקמו רשעים במשפט וחטאים בעדת צדיקים׃
6Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
6כי יודע יהוה דרך צדיקים ודרך רשעים תאבד׃