1Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
1למה רגשו גוים ולאמים יהגו ריק׃
2Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
2יתיצבו מלכי ארץ ורוזנים נוסדו יחד על יהוה ועל משיחו׃
3Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
3ננתקה את מוסרותימו ונשליכה ממנו עבתימו׃
4Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
4יושב בשמים ישחק אדני ילעג למו׃
5Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
5אז ידבר אלימו באפו ובחרונו יבהלמו׃
6Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.
6ואני נסכתי מלכי על ציון הר קדשי׃
7Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.
7אספרה אל חק יהוה אמר אלי בני אתה אני היום ילדתיך׃
8Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
8שאל ממני ואתנה גוים נחלתך ואחזתך אפסי ארץ׃
9Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok.
9תרעם בשבט ברזל ככלי יוצר תנפצם׃
10Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
10ועתה מלכים השכילו הוסרו שפטי ארץ׃
11Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.
11עבדו את יהוה ביראה וגילו ברעדה׃
12Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
12נשקו בר פן יאנף ותאבדו דרך כי יבער כמעט אפו אשרי כל חוסי בו׃