Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

107

1Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
1הדו ליהוה כי טוב כי לעולם חסדו׃
2Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
2יאמרו גאולי יהוה אשר גאלם מיד צר׃
3At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan.
3ומארצות קבצם ממזרח וממערב מצפון ומים׃
4Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
4תעו במדבר בישימון דרך עיר מושב לא מצאו׃
5Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
5רעבים גם צמאים נפשם בהם תתעטף׃
6Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
6ויצעקו אל יהוה בצר להם ממצוקותיהם יצילם׃
7Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
7וידריכם בדרך ישרה ללכת אל עיר מושב׃
8Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
8יודו ליהוה חסדו ונפלאותיו לבני אדם׃
9Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
9כי השביע נפש שקקה ונפש רעבה מלא טוב׃
10Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw;
10ישבי חשך וצלמות אסירי עני וברזל׃
11Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan:
11כי המרו אמרי אל ועצת עליון נאצו׃
12Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo.
12ויכנע בעמל לבם כשלו ואין עזר׃
13Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
13ויזעקו אל יהוה בצר להם ממצקותיהם יושיעם׃
14Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali.
14יוציאם מחשך וצלמות ומוסרותיהם ינתק׃
15Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
15יודו ליהוה חסדו ונפלאותיו לבני אדם׃
16Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.
16כי שבר דלתות נחשת ובריחי ברזל גדע׃
17Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
17אולים מדרך פשעם ומעונתיהם יתענו׃
18Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan,
18כל אכל תתעב נפשם ויגיעו עד שערי מות׃
19Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
19ויזעקו אל יהוה בצר להם ממצקותיהם יושיעם׃
20Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
20ישלח דברו וירפאם וימלט משחיתותם׃
21Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
21יודו ליהוה חסדו ונפלאותיו לבני אדם׃
22At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
22ויזבחו זבחי תודה ויספרו מעשיו ברנה׃
23Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig;
23יורדי הים באניות עשי מלאכה במים רבים׃
24Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
24המה ראו מעשי יהוה ונפלאותיו במצולה׃
25Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon.
25ויאמר ויעמד רוח סערה ותרומם גליו׃
26Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
26יעלו שמים ירדו תהומות נפשם ברעה תתמוגג׃
27Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala.
27יחוגו וינועו כשכור וכל חכמתם תתבלע׃
28Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
28ויצעקו אל יהוה בצר להם וממצוקתיהם יוציאם׃
29Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
29יקם סערה לדממה ויחשו גליהם׃
30Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
30וישמחו כי ישתקו וינחם אל מחוז חפצם׃
31Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
31יודו ליהוה חסדו ונפלאותיו לבני אדם׃
32Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda.
32וירממוהו בקהל עם ובמושב זקנים יהללוהו׃
33Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal:
33ישם נהרות למדבר ומצאי מים לצמאון׃
34Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
34ארץ פרי למלחה מרעת ישבי בה׃
35Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain.
35ישם מדבר לאגם מים וארץ ציה למצאי מים׃
36At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda sila ng bayang tahanan;
36ויושב שם רעבים ויכוננו עיר מושב׃
37At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang.
37ויזרעו שדות ויטעו כרמים ויעשו פרי תבואה׃
38Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
38ויברכם וירבו מאד ובהמתם לא ימעיט׃
39Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
39וימעטו וישחו מעצר רעה ויגון׃
40Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan.
40שפך בוז על נדיבים ויתעם בתהו לא דרך׃
41Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
41וישגב אביון מעוני וישם כצאן משפחות׃
42Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
42יראו ישרים וישמחו וכל עולה קפצה פיה׃
43Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.
43מי חכם וישמר אלה ויתבוננו חסדי יהוה׃