Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

112

1Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
1הללו יה אשרי איש ירא את יהוה במצותיו חפץ מאד׃
2Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
2גבור בארץ יהיה זרעו דור ישרים יברך׃
3Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
3הון ועשר בביתו וצדקתו עמדת לעד׃
4Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
4זרח בחשך אור לישרים חנון ורחום וצדיק׃
5Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
5טוב איש חונן ומלוה יכלכל דבריו במשפט׃
6Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
6כי לעולם לא ימוט לזכר עולם יהיה צדיק׃
7Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
7משמועה רעה לא יירא נכון לבו בטח ביהוה׃
8Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
8סמוך לבו לא יירא עד אשר יראה בצריו׃
9Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan.
9פזר נתן לאביונים צדקתו עמדת לעד קרנו תרום בכבוד׃
10Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam.
10רשע יראה וכעס שניו יחרק ונמס תאות רשעים תאבד׃