Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

118

1Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
1הודו ליהוה כי טוב כי לעולם חסדו׃
2Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2יאמר נא ישראל כי לעולם חסדו׃
3Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3יאמרו נא בית אהרן כי לעולם חסדו׃
4Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4יאמרו נא יראי יהוה כי לעולם חסדו׃
5Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
5מן המצר קראתי יה ענני במרחב יה׃
6Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?
6יהוה לי לא אירא מה יעשה לי אדם׃
7Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
7יהוה לי בעזרי ואני אראה בשנאי׃
8Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
8טוב לחסות ביהוה מבטח באדם׃
9Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
9טוב לחסות ביהוה מבטח בנדיבים׃
10Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
10כל גוים סבבוני בשם יהוה כי אמילם׃
11Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11סבוני גם סבבוני בשם יהוה כי אמילם׃
12Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12סבוני כדבורים דעכו כאש קוצים בשם יהוה כי אמילם׃
13Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.
13דחה דחיתני לנפל ויהוה עזרני׃
14Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
14עזי וזמרת יה ויהי לי לישועה׃
15Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
15קול רנה וישועה באהלי צדיקים ימין יהוה עשה חיל׃
16Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16ימין יהוה רוממה ימין יהוה עשה חיל׃
17Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
17לא אמות כי אחיה ואספר מעשי יה׃
18Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
18יסר יסרני יה ולמות לא נתנני׃
19Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
19פתחו לי שערי צדק אבא בם אודה יה׃
20Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.
20זה השער ליהוה צדיקים יבאו בו׃
21Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.
21אודך כי עניתני ותהי לי לישועה׃
22Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.
22אבן מאסו הבונים היתה לראש פנה׃
23Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
23מאת יהוה היתה זאת היא נפלאת בעינינו׃
24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
24זה היום עשה יהוה נגילה ונשמחה בו׃
25Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
25אנא יהוה הושיעה נא אנא יהוה הצליחה נא׃
26Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
26ברוך הבא בשם יהוה ברכנוכם מבית יהוה׃
27Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.
27אל יהוה ויאר לנו אסרו חג בעבתים עד קרנות המזבח׃
28Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
28אלי אתה ואודך אלהי ארוממך׃
29Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
29הודו ליהוה כי טוב כי לעולם חסדו׃