1Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.
1לדוד אליך יהוה נפשי אשא׃
2Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
2אלהי בך בטחתי אל אבושה אל יעלצו איבי לי׃
3Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,
3גם כל קויך לא יבשו יבשו הבוגדים ריקם׃
4Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
4דרכיך יהוה הודיעני ארחותיך למדני׃
5Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
5הדריכני באמתך ולמדני כי אתה אלהי ישעי אותך קויתי כל היום׃
6Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una.
6זכר רחמיך יהוה וחסדיך כי מעולם המה׃
7Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
7חטאות נעורי ופשעי אל תזכר כחסדך זכר לי אתה למען טובך יהוה׃
8Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
8טוב וישר יהוה על כן יורה חטאים בדרך׃
9Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya.
9ידרך ענוים במשפט וילמד ענוים דרכו׃
10Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
10כל ארחות יהוה חסד ואמת לנצרי בריתו ועדתיו׃
11Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki.
11למען שמך יהוה וסלחת לעוני כי רב הוא׃
12Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
12מי זה האיש ירא יהוה יורנו בדרך יבחר׃
13Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
13נפשו בטוב תלין וזרעו יירש ארץ׃
14Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
14סוד יהוה ליראיו ובריתו להודיעם׃
15Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo.
15עיני תמיד אל יהוה כי הוא יוציא מרשת רגלי׃
16Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin; sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati.
16פנה אלי וחנני כי יחיד ועני אני׃
17Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.
17צרות לבבי הרחיבו ממצוקותי הוציאני׃
18Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan.
18ראה עניי ועמלי ושא לכל חטאותי׃
19Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit.
19ראה אויבי כי רבו ושנאת חמס שנאוני׃
20Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako: huwag nawa akong mapahiya, sapagka't nanganganlong ako sa iyo.
20שמרה נפשי והצילני אל אבוש כי חסיתי בך׃
21Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran, sapagka't hinihintay kita.
21תם וישר יצרוני כי קויתיך׃
22Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.
22פדה אלהים את ישראל מכל צרותיו׃