1Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin: lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
1לדוד ריבה יהוה את יריבי לחם את לחמי׃
2Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
2החזק מגן וצנה וקומה בעזרתי׃
3Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin: sabihin mo sa aking kaluluwa, Ako'y iyong kaligtasan.
3והרק חנית וסגר לקראת רדפי אמר לנפשי ישעתך אני׃
4Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa: mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
4יבשו ויכלמו מבקשי נפשי יסגו אחור ויחפרו חשבי רעתי׃
5Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin, at itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
5יהיו כמץ לפני רוח ומלאך יהוה דוחה׃
6Maging madilim nawa, at madulas ang kanilang daan, at habulin sila ng anghel ng Panginoon.
6יהי דרכם חשך וחלקלקות ומלאך יהוה רדפם׃
7Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay, walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
7כי חנם טמנו לי שחת רשתם חנם חפרו לנפשי׃
8Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli: mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
8תבואהו שואה לא ידע ורשתו אשר טמן תלכדו בשואה יפל בה׃
9At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon: magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
9ונפשי תגיל ביהוה תשיש בישועתו׃
10Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
10כל עצמותי תאמרנה יהוה מי כמוך מציל עני מחזק ממנו ועני ואביון מגזלו׃
11Mga saksing masasama ay nagsisitayo; sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
11יקומון עדי חמס אשר לא ידעתי ישאלוני׃
12Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
12ישלמוני רעה תחת טובה שכול לנפשי׃
13Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
13ואני בחלותם לבושי שק עניתי בצום נפשי ותפלתי על חיקי תשוב׃
14Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid: ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
14כרע כאח לי התהלכתי כאבל אם קדר שחותי׃
15Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipisan: ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
15ובצלעי שמחו ונאספו נאספו עלי נכים ולא ידעתי קרעו ולא דמו׃
16Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan, kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.
16בחנפי לעגי מעוג חרק עלי שנימו׃
17Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon.
17אדני כמה תראה השיבה נפשי משאיהם מכפירים יחידתי׃
18Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
18אודך בקהל רב בעם עצום אהללך׃
19Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
19אל ישמחו לי איבי שקר שנאי חנם יקרצו עין׃
20Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
20כי לא שלום ידברו ועל רגעי ארץ דברי מרמות יחשבון׃
21Oo, kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata.
21וירחיבו עלי פיהם אמרו האח האח ראתה עינינו׃
22Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin.
22ראיתה יהוה אל תחרש אדני אל תרחק ממני׃
23Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
23העירה והקיצה למשפטי אלהי ואדני לריבי׃
24Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; at huwag mo silang pagalakin sa akin.
24שפטני כצדקך יהוה אלהי ואל ישמחו לי׃
25Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya.
25אל יאמרו בלבם האח נפשנו אל יאמרו בלענוהו׃
26Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
26יבשו ויחפרו יחדו שמחי רעתי ילבשו בשת וכלמה המגדילים עלי׃
27Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
27ירנו וישמחו חפצי צדקי ויאמרו תמיד יגדל יהוה החפץ שלום עבדו׃
28At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw.
28ולשוני תהגה צדקך כל היום תהלתך׃