Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

45

1Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay: aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari: ang aking dila ay panulat ng bihasang manunulat.
1למנצח על ששנים לבני קרח משכיל שיר ידידת רחש לבי דבר טוב אמר אני מעשי למלך לשוני עט סופר מהיר׃
2Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi: kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
2יפיפית מבני אדם הוצק חן בשפתותיך על כן ברכך אלהים לעולם׃
3Ibigkis mo ang iyong tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan, kalakip ang iyong kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
3חגור חרבך על ירך גבור הודך והדרך׃
4At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran: at ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng kakilakilabot na mga bagay.
4והדרך צלח רכב על דבר אמת וענוה צדק ותורך נוראות ימינך׃
5Ang iyong mga palaso ay matulis; ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo: sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
5חציך שנונים עמים תחתיך יפלו בלב אויבי המלך׃
6Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man: cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
6כסאך אלהים עולם ועד שבט מישר שבט מלכותך׃
7Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan: kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo ng langis, ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
7אהבת צדק ותשנא רשע על כן משחך אלהים אלהיך שמן ששון מחבריך׃
8Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia: mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
8מר ואהלות קציעות כל בגדתיך מן היכלי שן מני שמחוך׃
9Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae: sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may ginto sa Ophir.
9בנות מלכים ביקרותיך נצבה שגל לימינך בכתם אופיר׃
10Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig; kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
10שמעי בת וראי והטי אזנך ושכחי עמך ובית אביך׃
11Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan; sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
11ויתאו המלך יפיך כי הוא אדניך והשתחוי לו׃
12At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na may kaloob; pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay mamamanhik ng iyong lingap.
12ובת צר במנחה פניך יחלו עשירי עם׃
13Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari. Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
13כל כבודה בת מלך פנימה ממשבצות זהב לבושה׃
14Siya'y ihahatid sa hari na may suot na bordado: ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay dadalhin sa iyo.
14לרקמות תובל למלך בתולות אחריה רעותיה מובאות לך׃
15May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila: sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
15תובלנה בשמחת וגיל תבאינה בהיכל מלך׃
16Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak, na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
16תחת אבתיך יהיו בניך תשיתמו לשרים בכל הארץ׃
17Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi: kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.
17אזכירה שמך בכל דר ודר על כן עמים יהודך לעלם ועד׃