1Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.
1למנצח לבני קרח על עלמות שיר אלהים לנו מחסה ועז עזרה בצרות נמצא מאד׃
2Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
2על כן לא נירא בהמיר ארץ ובמוט הרים בלב ימים׃
3Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
3יהמו יחמרו מימיו ירעשו הרים בגאותו סלה׃
4May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya sa bayan ng Dios. Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
4נהר פלגיו ישמחו עיר אלהים קדש משכני עליון׃
5Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos: tutulungan siya ng Dios na maaga.
5אלהים בקרבה בל תמוט יעזרה אלהים לפנות בקר׃
6Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos: inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
6המו גוים מטו ממלכות נתן בקולו תמוג ארץ׃
7Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
7יהוה צבאות עמנו משגב לנו אלהי יעקב סלה׃
8Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon, kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
8לכו חזו מפעלות יהוה אשר שם שמות בארץ׃
9Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat; kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
9משבית מלחמות עד קצה הארץ קשת ישבר וקצץ חנית עגלות ישרף באש׃
10Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
10הרפו ודעו כי אנכי אלהים ארום בגוים ארום בארץ׃
11Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.
11יהוה צבאות עמנו משגב לנו אלהי יעקב סלה׃