Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

49

1Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
1למנצח לבני קרח מזמור שמעו זאת כל העמים האזינו כל ישבי חלד׃
2Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama.
2גם בני אדם גם בני איש יחד עשיר ואביון׃
3Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
3פי ידבר חכמות והגות לבי תבונות׃
4Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa.
4אטה למשל אזני אפתח בכנור חידתי׃
5Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
5למה אירא בימי רע עון עקבי יסובני׃
6Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
6הבטחים על חילם וברב עשרם יתהללו׃
7Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
7אח לא פדה יפדה איש לא יתן לאלהים כפרו׃
8(Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man:)
8ויקר פדיון נפשם וחדל לעולם׃
9Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.
9ויחי עוד לנצח לא יראה השחת׃
10Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
10כי יראה חכמים ימותו יחד כסיל ובער יאבדו ועזבו לאחרים חילם׃
11Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man, at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
11קרבם בתימו לעולם משכנתם לדר ודר קראו בשמותם עלי אדמות׃
12Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
12ואדם ביקר בל ילין נמשל כבהמות נדמו׃
13Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan: gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
13זה דרכם כסל למו ואחריהם בפיהם ירצו סלה׃
14Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan.
14כצאן לשאול שתו מות ירעם וירדו בם ישרים לבקר וצירם לבלות שאול מזבל לו׃
15Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
15אך אלהים יפדה נפשי מיד שאול כי יקחני סלה׃
16Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
16אל תירא כי יעשר איש כי ירבה כבוד ביתו׃
17Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
17כי לא במותו יקח הכל לא ירד אחריו כבודו׃
18Bagaman habang siya'y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa, (at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
18כי נפשו בחייו יברך ויודך כי תיטיב לך׃
19Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag.
19תבוא עד דור אבותיו עד נצח לא יראו אור׃
20Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay.
20אדם ביקר ולא יבין נמשל כבהמות נדמו׃