1Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao: buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako.
1למנצח על יונת אלם רחקים לדוד מכתם באחז אתו פלשתים בגת חנני אלהים כי שאפני אנוש כל היום לחם ילחצני׃
2Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw: sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
2שאפו שוררי כל היום כי רבים לחמים לי מרום׃
3Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
3יום אירא אני אליך אבטח׃
4Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng laman sa akin?
4באלהים אהלל דברו באלהים בטחתי לא אירא מה יעשה בשר לי׃
5Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita: lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
5כל היום דברי יעצבו עלי כל מחשבתם לרע׃
6Sila'y nagpipisan, sila'y nagsisipagkubli, kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pagaabang sa aking kaluluwa.
6יגורו יצפינו המה עקבי ישמרו כאשר קוו נפשי׃
7Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama? Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
7על און פלט למו באף עמים הורד אלהים׃
8Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat?
8נדי ספרתה אתה שימה דמעתי בנאדך הלא בספרתך׃
9Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag: ito'y nalalaman ko, sapagka't ang Dios ay kakampi ko.
9אז ישובו אויבי אחור ביום אקרא זה ידעתי כי אלהים לי׃
10Sa Dios (ay pupuri ako ng salita), sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita),
10באלהים אהלל דבר ביהוה אהלל דבר׃
11Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin?
11באלהים בטחתי לא אירא מה יעשה אדם לי׃
12Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios: ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo.
12עלי אלהים נדריך אשלם תודת לך׃
13Sapagka't iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan: hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog? upang ako'y makalakad sa harap ng Dios sa liwanag ng buhay.
13כי הצלת נפשי ממות הלא רגלי מדחי להתהלך לפני אלהים באור החיים׃