1Sa iyo Oh Panginoon, nanganganlong ako: huwag akong mapahiya kailan man.
1בך יהוה חסיתי אל אבושה לעולם׃
2Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
2בצדקתך תצילני ותפלטני הטה אלי אזנך והושיעני׃
3Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi: ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako; sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
3היה לי לצור מעון לבוא תמיד צוית להושיעני כי סלעי ומצודתי אתה׃
4Sagipin mo ako, Oh aking Dios, sa kamay ng masama, sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
4אלהי פלטני מיד רשע מכף מעול וחומץ׃
5Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
5כי אתה תקותי אדני יהוה מבטחי מנעורי׃
6Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
6עליך נסמכתי מבטן ממעי אמי אתה גוזי בך תהלתי תמיד׃
7Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami; nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
7כמופת הייתי לרבים ואתה מחסי עז׃
8Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw.
8ימלא פי תהלתך כל היום תפארתך׃
9Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
9אל תשליכני לעת זקנה ככלות כחי אל תעזבני׃
10Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin: at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
10כי אמרו אויבי לי ושמרי נפשי נועצו יחדו׃
11Na nangagsasabi, pinabayaan siya ng Dios: iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
11לאמר אלהים עזבו רדפו ותפשוהו כי אין מציל׃
12Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin: Oh Dios ko, magmadali kang tulungan mo ako.
12אלהים אל תרחק ממני אלהי לעזרתי חישה׃
13Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa; mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
13יבשו יכלו שטני נפשי יעטו חרפה וכלמה מבקשי רעתי׃
14Nguni't ako'y maghihintay na palagi, at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
14ואני תמיד איחל והוספתי על כל תהלתך׃
15Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw; sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
15פי יספר צדקתך כל היום תשועתך כי לא ידעתי ספרות׃
16Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
16אבוא בגברות אדני יהוה אזכיר צדקתך לבדך׃
17Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
17אלהים למדתני מנעורי ועד הנה אגיד נפלאותיך׃
18Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
18וגם עד זקנה ושיבה אלהים אל תעזבני עד אגיד זרועך לדור לכל יבוא גבורתך׃
19Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo.
19וצדקתך אלהים עד מרום אשר עשית גדלות אלהים מי כמוך׃
20Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan, bubuhayin mo uli kami, at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
20אשר הראיתנו צרות רבות ורעות תשוב תחיינו ומתהמות הארץ תשוב תעלני׃
21Palaguin mo ang aking kadakilaan, at bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
21תרב גדלתי ותסב תנחמני׃
22Pupurihin din kita ng salterio, ang iyong katotohanan, Oh Dios ko; sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa, Oh ikaw na Banal ng Israel.
22גם אני אודך בכלי נבל אמתך אלהי אזמרה לך בכנור קדוש ישראל׃
23Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo; at ang kaluluwa ko, na iyong tinubos.
23תרננה שפתי כי אזמרה לך ונפשי אשר פדית׃
24Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw: sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
24גם לשוני כל היום תהגה צדקתך כי בשו כי חפרו מבקשי רעתי׃