Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

72

1Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
1לשלמה אלהים משפטיך למלך תן וצדקתך לבן מלך׃
2Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran, at ang iyong dukha, ng kahatulan.
2ידין עמך בצדק וענייך במשפט׃
3Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, at ang mga gulod, sa katuwiran.
3ישאו הרים שלום לעם וגבעות בצדקה׃
4Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan, at pagwawaraywarayin ang mangaapi.
4ישפט עניי עם יושיע לבני אביון וידכא עושק׃
5Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw, at habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
5ייראוך עם שמש ולפני ירח דור דורים׃
6Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo: gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
6ירד כמטר על גז כרביבים זרזיף ארץ׃
7Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid; at saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
7יפרח בימיו צדיק ורב שלום עד בלי ירח׃
8Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
8וירד מים עד ים ומנהר עד אפסי ארץ׃
9Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok.
9לפניו יכרעו ציים ואיביו עפר ילחכו׃
10Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
10מלכי תרשיש ואיים מנחה ישיבו מלכי שבא וסבא אשכר יקריבו׃
11Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
11וישתחוו לו כל מלכים כל גוים יעבדוהו׃
12Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong.
12כי יציל אביון משוע ועני ואין עזר לו׃
13Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
13יחס על דל ואביון ונפשות אביונים יושיע׃
14Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
14מתוך ומחמס יגאל נפשם וייקר דמם בעיניו׃
15At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba: at dadalanginang lagi siya ng mga tao: pupurihin nila siya buong araw.
15ויחי ויתן לו מזהב שבא ויתפלל בעדו תמיד כל היום יברכנהו׃
16Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok; ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano: at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa.
16יהי פסת בר בארץ בראש הרים ירעש כלבנון פריו ויציצו מעיר כעשב הארץ׃
17Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw: at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
17יהי שמו לעולם לפני שמש ינין שמו ויתברכו בו כל גוים יאשרוהו׃
18Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
18ברוך יהוה אלהים אלהי ישראל עשה נפלאות לבדו׃
19At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man; at mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian. Siya nawa, at Siya nawa.
19וברוך שם כבודו לעולם וימלא כבודו את כל הארץ אמן ואמן׃
20Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.
20כלו תפלות דוד בן ישי׃