1Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
1משכיל לאסף האזינה עמי תורתי הטו אזנכם לאמרי פי׃
2Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:
2אפתחה במשל פי אביעה חידות מני קדם׃
3Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
3אשר שמענו ונדעם ואבותינו ספרו לנו׃
4Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
4לא נכחד מבניהם לדור אחרון מספרים תהלות יהוה ועזוזו ונפלאותיו אשר עשה׃
5Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
5ויקם עדות ביעקב ותורה שם בישראל אשר צוה את אבותינו להודיעם לבניהם׃
6Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
6למען ידעו דור אחרון בנים יולדו יקמו ויספרו לבניהם׃
7Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
7וישימו באלהים כסלם ולא ישכחו מעללי אל ומצותיו ינצרו׃
8At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
8ולא יהיו כאבותם דור סורר ומרה דור לא הכין לבו ולא נאמנה את אל רוחו׃
9Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
9בני אפרים נושקי רומי קשת הפכו ביום קרב׃
10Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
10לא שמרו ברית אלהים ובתורתו מאנו ללכת׃
11At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
11וישכחו עלילותיו ונפלאותיו אשר הראם׃
12Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan.
12נגד אבותם עשה פלא בארץ מצרים שדה צען׃
13Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila; at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
13בקע ים ויעבירם ויצב מים כמו נד׃
14Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
14וינחם בענן יומם וכל הלילה באור אש׃
15Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
15יבקע צרים במדבר וישק כתהמות רבה׃
16Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
16ויוצא נוזלים מסלע ויורד כנהרות מים׃
17Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
17ויוסיפו עוד לחטא לו למרות עליון בציה׃
18At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
18וינסו אל בלבבם לשאל אכל לנפשם׃
19Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
19וידברו באלהים אמרו היוכל אל לערך שלחן במדבר׃
20Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
20הן הכה צור ויזובו מים ונחלים ישטפו הגם לחם יוכל תת אם יכין שאר לעמו׃
21Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
21לכן שמע יהוה ויתעבר ואש נשקה ביעקב וגם אף עלה בישראל׃
22Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
22כי לא האמינו באלהים ולא בטחו בישועתו׃
23Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit;
23ויצו שחקים ממעל ודלתי שמים פתח׃
24At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit.
24וימטר עליהם מן לאכל ודגן שמים נתן למו׃
25Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog.
25לחם אבירים אכל איש צידה שלח להם לשבע׃
26Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
26יסע קדים בשמים וינהג בעזו תימן׃
27Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
27וימטר עליהם כעפר שאר וכחול ימים עוף כנף׃
28At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan.
28ויפל בקרב מחנהו סביב למשכנתיו׃
29Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita.
29ויאכלו וישבעו מאד ותאותם יבא להם׃
30Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
30לא זרו מתאותם עוד אכלם בפיהם׃
31Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel.
31ואף אלהים עלה בהם ויהרג במשמניהם ובחורי ישראל הכריע׃
32Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila, at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
32בכל זאת חטאו עוד ולא האמינו בנפלאותיו׃
33Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
33ויכל בהבל ימיהם ושנותם בבהלה׃
34Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
34אם הרגם ודרשוהו ושבו ושחרו אל׃
35At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos.
35ויזכרו כי אלהים צורם ואל עליון גאלם׃
36Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
36ויפתוהו בפיהם ובלשונם יכזבו לו׃
37Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
37ולבם לא נכון עמו ולא נאמנו בבריתו׃
38Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot.
38והוא רחום יכפר עון ולא ישחית והרבה להשיב אפו ולא יעיר כל חמתו׃
39At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
39ויזכר כי בשר המה רוח הולך ולא ישוב׃
40Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang!
40כמה ימרוהו במדבר יעציבוהו בישימון׃
41At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.
41וישובו וינסו אל וקדוש ישראל התוו׃
42Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
42לא זכרו את ידו יום אשר פדם מני צר׃
43Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
43אשר שם במצרים אתותיו ומופתיו בשדה צען׃
44At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
44ויהפך לדם יאריהם ונזליהם בל ישתיון׃
45Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.
45ישלח בהם ערב ויאכלם וצפרדע ותשחיתם׃
46Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang.
46ויתן לחסיל יבולם ויגיעם לארבה׃
47Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
47יהרג בברד גפנם ושקמותם בחנמל׃
48Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
48ויסגר לברד בעירם ומקניהם לרשפים׃
49Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
49ישלח בם חרון אפו עברה וזעם וצרה משלחת מלאכי רעים׃
50Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
50יפלס נתיב לאפו לא חשך ממות נפשם וחיתם לדבר הסגיר׃
51At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham:
51ויך כל בכור במצרים ראשית אונים באהלי חם׃
52Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
52ויסע כצאן עמו וינהגם כעדר במדבר׃
53At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
53וינחם לבטח ולא פחדו ואת אויביהם כסה הים׃
54At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
54ויביאם אל גבול קדשו הר זה קנתה ימינו׃
55Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
55ויגרש מפניהם גוים ויפילם בחבל נחלה וישכן באהליהם שבטי ישראל׃
56Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
56וינסו וימרו את אלהים עליון ועדותיו לא שמרו׃
57Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog.
57ויסגו ויבגדו כאבותם נהפכו כקשת רמיה׃
58Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
58ויכעיסוהו בבמותם ובפסיליהם יקניאוהו׃
59Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel:
59שמע אלהים ויתעבר וימאס מאד בישראל׃
60Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo, ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
60ויטש משכן שלו אהל שכן באדם׃
61At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
61ויתן לשבי עזו ותפארתו ביד צר׃
62Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak; at napoot sa kaniyang mana.
62ויסגר לחרב עמו ובנחלתו התעבר׃
63Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
63בחוריו אכלה אש ובתולתיו לא הוללו׃
64Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
64כהניו בחרב נפלו ואלמנתיו לא תבכינה׃
65Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog, gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
65ויקץ כישן אדני כגבור מתרונן מיין׃
66At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway: inilagay niya sila sa laging kadustaan.
66ויך צריו אחור חרפת עולם נתן למו׃
67Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose, at hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
67וימאס באהל יוסף ובשבט אפרים לא בחר׃
68Kundi pinili ang lipi ni Juda, ang bundok ng Zion na kaniyang inibig.
68ויבחר את שבט יהודה את הר ציון אשר אהב׃
69At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan, parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
69ויבן כמו רמים מקדשו כארץ יסדה לעולם׃
70Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
70ויבחר בדוד עבדו ויקחהו ממכלאת צאן׃
71Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
71מאחר עלות הביאו לרעות ביעקב עמו ובישראל נחלתו׃
72Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
72וירעם כתם לבבו ובתבונות כפיו ינחם׃