Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

77

1Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios; sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
1למנצח על ידיתון לאסף מזמור קולי אל אלהים ואצעקה קולי אל אלהים והאזין אלי׃
2Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon: ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
2ביום צרתי אדני דרשתי ידי לילה נגרה ולא תפוג מאנה הנחם נפשי׃
3Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
3אזכרה אלהים ואהמיה אשיחה ותתעטף רוחי סלה׃
4Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
4אחזת שמרות עיני נפעמתי ולא אדבר׃
5Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.
5חשבתי ימים מקדם שנות עולמים׃
6Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
6אזכרה נגינתי בלילה עם לבבי אשיחה ויחפש רוחי׃
7Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa?
7הלעולמים יזנח אדני ולא יסיף לרצות עוד׃
8Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako?
8האפס לנצח חסדו גמר אמר לדר ודר׃
9Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
9השכח חנות אל אם קפץ באף רחמיו סלה׃
10At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
10ואמר חלותי היא שנות ימין עליון׃
11Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
11אזכיר מעללי יה כי אזכרה מקדם פלאך׃
12Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
12והגיתי בכל פעלך ובעלילותיך אשיחה׃
13Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
13אלהים בקדש דרכך מי אל גדול כאלהים׃
14Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
14אתה האל עשה פלא הודעת בעמים עזך׃
15Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah)
15גאלת בזרוע עמך בני יעקב ויוסף סלה׃
16Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot: ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
16ראוך מים אלהים ראוך מים יחילו אף ירגזו תהמות׃
17Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos.
17זרמו מים עבות קול נתנו שחקים אף חצציך יתהלכו׃
18Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan: ang lupa ay nayanig at umuga.
18קול רעמך בגלגל האירו ברקים תבל רגזה ותרעש הארץ׃
19Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala.
19בים דרכך ושביליך במים רבים ועקבותיך לא נדעו׃
20Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
20נחית כצאן עמך ביד משה ואהרן׃