1Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
1למנצח על הגתית לאסף הרנינו לאלהים עוזנו הריעו לאלהי יעקב׃
2Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta, ang masayang alpa sangpu ng salterio.
2שאו זמרה ותנו תף כנור נעים עם נבל׃
3Magsihihip kayo ng pakakak sa bagong buwan, sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
3תקעו בחדש שופר בכסה ליום חגנו׃
4Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel, ayos ng Dios ni Jacob.
4כי חק לישראל הוא משפט לאלהי יעקב׃
5Kaniyang inilagay na pinakapatotoo sa Jose, nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto: na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
5עדות ביהוסף שמו בצאתו על ארץ מצרים שפת לא ידעתי אשמע׃
6Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan: ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
6הסירותי מסבל שכמו כפיו מדוד תעברנה׃
7Ikaw ay tumawag sa kabagabagan, at iniligtas kita; sinagot kita sa lihim na dako ng kulog; sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
7בצרה קראת ואחלצך אענך בסתר רעם אבחנך על מי מריבה סלה׃
8Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo: Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
8שמע עמי ואעידה בך ישראל אם תשמע לי׃
9Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo; at hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
9לא יהיה בך אל זר ולא תשתחוה לאל נכר׃
10Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto: bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
10אנכי יהוה אלהיך המעלך מארץ מצרים הרחב פיך ואמלאהו׃
11Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko; at hindi ako sinunod ng Israel.
11ולא שמע עמי לקולי וישראל לא אבה לי׃
12Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso, upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
12ואשלחהו בשרירות לבם ילכו במועצותיהם׃
13Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan, kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
13לו עמי שמע לי ישראל בדרכי יהלכו׃
14Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway, at ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
14כמעט אויביהם אכניע ועל צריהם אשיב ידי׃
15Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya: nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
15משנאי יהוה יכחשו לו ויהי עתם לעולם׃
16Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo: at ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.
16ויאכילהו מחלב חטה ומצור דבש אשביעך׃